ginebratambayan.hooxs.com
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.

GINEBRA IMPORT HUNT TULOY PA

Go down

GINEBRA IMPORT HUNT TULOY PA Empty GINEBRA IMPORT HUNT TULOY PA

Post by Ginebra Tambayan Thu Feb 14, 2013 10:14 am

GINEBRA IMPORT HUNT TULOY PA; MBENGA UNA SA WISH LIST

Balitang wala raw lubay sa paghahanap ngayon ng bagong import ang Barangay Ginebra San Miguel.

Ayon sa aming mga nakausap, nuong Linggo pa lamang matapos ang masaklap na 74-70 opener loss sa Air21 Express ay pursigido na ang coaching staff at management ng Kings na humanap ng kapalit ni Herbert Hill.

Dismayado kasi ang mga ito, lalo na ang milyon-milyong fans ng Ginebra, sa napakasakit sa matang performance ng 6-8 import.

Sa loob ng 40 minutes, nagtala si Hill ng 17 points, 18 rebounds, 4 blocks, 1 assists at 1 steal.

Maganda ang figures nito kung titingnan, pero kapag inilabas na ang field goal percentage, talagang mailing kayo dahil napakasaklap na 7/24 ang nirehistro nito para sa napakababang 29.2 percent.

Hindi rin maganda ang itinala ni Hill sa defense department dahil hinayaan nitong magpyesta sa low post ang karibal sa Air21 na si Michael Dunigan, na umiskor ng 26 points. Karamihan doon ay sa final quarter niya ibinuslo.

Kwento ni Air21 coach Franz Pumaren, nakita nila na mismatch si Dunigan sa bantay na si Hill, na malimit ay single coverage lamang sa depensa.

“Nakita naming walang help defense, kaya we told Michael to go for it,” ayon kay Pumaren.

“Hindi naman siguro ganun kahina si Hill sa depensa… Skills-wise lang siguro, Dunigan is much better.”

Sa ngayon ay sinasabing nagpadala na ng offer sheet ang Ginebra kay dating 2-time NBA champion DJ Mbenga ng Los Angeles Lakers.

Hinihintay pa ng Philippine agent ni Mbenga na si Sheryl Reyes ang tugon ng Congolese-Belgian 7-footer.

“OK na yung American agent ni DJ, siya na lang hinihintay naming,” giit ni Reyes, na nagsabing naipadala na niya ang offer sheet ng Ginebra.

Kritikal ang mga susunod na oras dahil kapag tumango na si Mbenga sa alok ng Ginebra, kagyat na siyang papadalan ng plane ticket.

Hangga’t maari kasi ay kursunada ng Kings na maparating dito ang bagong import ng Huwebes, para agad itong magamit sa laro kontra GlobalPort Batang Pier sa Biyernes.


Bukod kay Mbenga, ang iba pang kinakausap ng Ginebra ay sina NBA D-League stars Vernon Macklin at Brian Butch.

Nauna nang tinanggihan ng dating German national cager na si Tim Ohlbrecht ang offer ng Kings dahil mas gusto nitong mag focus sa kanyang pangarap na magpapansin sa NBA. (SBadua)

Source: Inquirer.net

Ginebra Tambayan
Ginebra Tambayan
News Maker
News Maker

Male Posts : 1095

Back to top Go down

Back to top

- Similar topics

 
Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum