ginebratambayan.hooxs.com
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.

Tiwala: An open letter to L.A.

5 posters

Go down

Tiwala: An open letter to L.A. Empty Tiwala: An open letter to L.A.

Post by wnc19 Mon Feb 10, 2014 10:43 am

Editor’s note: Erson Villangca is a senior at Ateneo and a diehard Ginebra fan. This piece, originally posted in the author’s blog shortly after Game Five of Ginebra’s semis series against San Mig Coffee, is republished with permission.
LA Tenorio,
Huwag mo sanang isipin na ito ay liham ng paninisi o pangungutya (na marahil ay unang pumasok sa isip mo nang makita mo ang pamagat nito); ako’y sumusulat sa iyo bilang isang Ginebra fan, na patuloy na nagtitiwala. Kung sa pagbabasa mo nito ay pakiramdam mo na sinisisi kita sa nangyari sa Game 5 kanina, huwag kang tumigil sa pagbabasa sapagkat hindi iyon ang aking intensyon.
Tulad mo, isa akong Atenista. Fourth year na ako at magmamartsa na sa Marso. Labinlimang minuto bago mag-alas-sinko kanina nang matapos ang recollection ko. May oras pa, mapapanood ko pa ang Ginebra. Dali-dali akong tumakbo mula Gesu papuntang Library para manuod ng livestream sa isa sa mga computer doon, at laking tuwa ko, lamang ang Ginebra ko nang buksan ko ang internet.
Paputol-putol ang livestream. Mabagal ang net. Pero di bale, dikitan ang laban. Kaya ito ng Ginebra. Sa mga huling segundo ng laban, lamang ang San Mig ng dalawa. Nag-drive ka, pero na-challenge at di pumasok. Foul kay Melton, pero isa lang napasok niya. Ayos, kaya pa ito. Pitong segundo, tatlo lamang nila. Binababa mo ang bola. Biglang bumalik sa ala-ala ko iyong dalawang game-winning three ni Japeth kung saan ikaw iyong nag-assist. Overtime na ito, siguradong-sigurado ako. May nakapwesto sa wing o sa corner, di ko alam kung si Baracael o si Ellis. Pero nag-drive ka ulit.
Napamura ako LA. Pinagtinginan ako ng mga katabi ko sa Library. Kagagaling ko lang sa recollection. Napamura ako.
* * *
6:53 p.m. ang oras habang nagsusulat ako ngayon. Nasa 653 na tao kada post sa mga fanpage ng Ginebra sa Facebook ang nagko-comment ng “benta”. Bukod pa iyan sa 65 300 na tao o higit pa ang sobrang sama ng loob sa iyo ngayon. Sobrang taas daw ng basketball IQ mo, ikaw daw  ang Gilas point guard. Imposible raw na nawala sa loob mo na tatlo ang lamang ng San Mig.
Pero hindi ako isa sa kanila. Hindi ako naniniwala na “benta” iyong kanina, LA. Hindi ko alam kung bakit, at di ko alam ang dahilan, pero sinasabi ng puso at isip ko na hindi bayad iyong play kanina. Alam mo kung bakit? Kasi naniniwala ako na maprinsipyong tao ka. At kaya ko iyang patunayan sa buong Pilipinas, o sa buong mundo kung kinakailangan.
* * *
Naaalala mo ba ang larawan na ito:
Tiwala: An open letter to L.A. Erson
Kuha iyan noong Game 2. Inaabangan ko kayo nina Caguioa doon sa may parking ng players sa gilid ng Araneta. Pero sabi ng gwardya di kami (mga fans) pwedeng lumapit, kaya nandoon lang ako sa may kalsada, kasama ng ibang umaasang fans. Okay na talaga ako na masigawan kayo ng “Good job” at “Congrats” kung dadaan man iyong mga sasakyan niyo doon. Pero sabi ko sa sarili ko, once in a lifetime lang kung makakapagpa-picture ako sa kahit isa lang sa inyo. Sakto lumabas kayo ni Japeth doon sa parking lot. Alam mo ginawa ko? Inakyat ko yung bakod, tinalon ko, saka ako tumakbo papunta sa iyo. Narinig ko iyong gwardya na sumigaw ng “hoy!” at nagmura pa yata. Pero wala akong pakialam. Once in a lifetime lang iyon eh. Magpapapicture ako kina LA at Japeth.
Kitang-kita ko sa mukha mo noon na pagod na pagod ka na dahil sa game, at siguro dahil sa dami ng nagpapapicture. Nag-aalinlangan ako na lumapit pa, pero dahil once in a lifetime nga lang, tinuloy ko na. Sabi ko sa iyo, “LA papicture kahit isa lang.” Di ka nagdalawang-isip na magsabi ng “Sige”.
Pagbalik ko doon sa may kalsada, sabi ko sa girlfriend ko, “Ang bait ni LA (at Japeth); kita mong pagod na pero hindi marunong humindi sa fans.”
* * *
Naaalala mo noong Yolanda? Di ba nag-volunteer ka na maging parte ng delegation ng PBA players na pupunta ng Tacloban? Hindi ka kasi parte ng original delegation noon, pero gusto mong magbigay ng pag-asa, kaya’t sumama ka.
E noong mga panahong injured si Caguioa, naaalala mo iyon? Di ba’t kayod kalabaw ka noon, sa points, sa rebounds, sa assists…sa lahat. Ikaw iyong bumubuhat sa Ginebra, kahit dehado na, nananalo pa rin sa huli.
* * *
Di man tayo magkakilala sa personal, alam ko na ganitong klase ka ng tao, LA: ikaw iyong hindi ipapahiya iyong mga taong pinaghuhugutan ka ng saya, ng lakas, ng pag-asa. Alam mo, noong January 29, nalaman ko na hindi ako pumasa ng UP Law. Sobrang lungkot ko noon hanggang sa mga sumunod na ilang araw. Hindi ako makakain, wala akong ganang pumasok sa unibersidad. Gusto ko lang mapag-isa. Pero noong Game 2, dinala ako ng girlfriend ko sa Araneta. Iba talaga ang Ginebra, LA. Kahit anong lungkot ko, kahit sobrang na-down ako dahil sa pagkabigo ko, basta narinig ko iyong coliseum barker na sinasabing “starting at guard number 5, LA Tenorio!”, basta maka-score ng tres si Baracael, basta lumalaban ang Barangay at naghihiyawan ang buong Araneta ng “Ginebra, Ginebra, Ginebra!”, nawawala lahat, nagkakaroon ulit ako ng pag-asa, di lang na manalo sa laban ang Barangay, kundi pati na rin na bumangon muli ako at patuloy na lumaban sa personal kong buhay.
Kaya iyong kanina, alam ko hindi “benta” iyon. Huwag mo silang pansinin. Lahat ng tao nagkakamali. Pero sabi nga nila, ang mas mahalaga ay kung paano ka babangon muli. Kaya nga LA eh: Lahing Astig, may takot kay Lord Almighty. Yan si Lewis Alfred sa mata ko, sa mata ng milyon-milyong fans ng Ginebra.
Maraming katulad ko LA na patuloy na susuporta sa iyo at sa Barangay. Kahit Upper B lang parati ang nakukuha at nakakayanan ko, sisigaw at sisigaw ako ng “Ginebra” kasi alam ko na importante ang ibig-sabihin ng tatlong pantig na iyon: ang mga iyon ang simbolo ng lahing di sumusuko, iyong lalaban at lalaban; simbolo iyon ng mga taong umaasa sa mga salitang Never-Say-Die.
Naniniwala ako sa iyo LA. Naniniwala ako na lalaban at lalaban ka. Naniniwala ako na madadala mo ang Ginebra sa championship. Tiwala lang, LA. At kung naaalala mo pa, sabihin mo lang sa sarili mo, “Magis!

Naniniwala,
Erson


wnc19
wnc19
Bench Player
Bench Player

Male Posts : 333
Location : Valenzuela City
Humor : SVS or nothing =D

Back to top Go down

Tiwala: An open letter to L.A. Empty Re: Tiwala: An open letter to L.A.

Post by betterhalf Tue Mar 04, 2014 2:34 pm

nawala na tiwala ko dito maibabalik lang un pag gumanda na laro nya uli

feeling ko lang ha wag lang sana magalit mga fans ni LA..

Mas gusto nya mag laro sa gilas kesa sa ginebra feeling ko lang nman
betterhalf
betterhalf
Global Moderator
Global Moderator

Male Posts : 13764
Location : manila

Back to top Go down

Tiwala: An open letter to L.A. Empty Re: Tiwala: An open letter to L.A.

Post by garrett_jax Tue Mar 04, 2014 3:08 pm

parang iba na ang laro nya nun season na toh kesa sa last season ....... parang may kulang .........
garrett_jax
garrett_jax
MVP
MVP

Male Posts : 9552
Location : Brgy. GINEBRA

Back to top Go down

Tiwala: An open letter to L.A. Empty Re: Tiwala: An open letter to L.A.

Post by wnc19 Tue Mar 04, 2014 4:02 pm

Hindi kaya naiinis kasi sya sa coach kaya kung anu-ano pinaggagawa nya sa loob?
wnc19
wnc19
Bench Player
Bench Player

Male Posts : 333
Location : Valenzuela City
Humor : SVS or nothing =D

Back to top Go down

Tiwala: An open letter to L.A. Empty Re: Tiwala: An open letter to L.A.

Post by garrett_jax Tue Mar 04, 2014 4:08 pm

baka walang diskarte si coach ato at pinabayaan nga lang si LA ang gumawa ...... ahhhahah

icompare nyo un LA na hawak ni coach al at un LA na hawak coach ato ....... big difference diba
garrett_jax
garrett_jax
MVP
MVP

Male Posts : 9552
Location : Brgy. GINEBRA

Back to top Go down

Tiwala: An open letter to L.A. Empty Re: Tiwala: An open letter to L.A.

Post by betterhalf Tue Mar 04, 2014 4:35 pm

tama klasmeyt may kulang tlga..kulang sa puso.. hahaha.. wlang excitement.. parang ganito lang cge ilaro nlang naten yan parang gnun ung dating.

pro tulad nga ng sabi move on na.. basta maibalik lang ung nilalaro nya ok na ako uli sa knya
betterhalf
betterhalf
Global Moderator
Global Moderator

Male Posts : 13764
Location : manila

Back to top Go down

Tiwala: An open letter to L.A. Empty Re: Tiwala: An open letter to L.A.

Post by ampogi Tue Mar 04, 2014 9:16 pm

may hadlang talaga sa laro ni LA ngaun, ang hirap kapain, pero sa tingin ko ang coach ang problema, hindi niya gamay si ato; ibalik na lang si Jawo......kung hindi rin lang ibabalik si coach al...

ampogi
Bench Player
Bench Player

Male Posts : 405

Back to top Go down

Tiwala: An open letter to L.A. Empty Re: Tiwala: An open letter to L.A.

Post by nsd_29 Thu Mar 06, 2014 6:59 pm

its time to face the people..lol..kailangan maibalik ni la yung tunay na laro nya..
nsd_29
nsd_29
New comer
New comer

Male Posts : 43
Location : caloocan city

Back to top Go down

Tiwala: An open letter to L.A. Empty Re: Tiwala: An open letter to L.A.

Post by Sponsored content


Sponsored content


Back to top Go down

Back to top

- Similar topics

 
Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum