ginebratambayan.hooxs.com
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.

Trivia: Mark 'The Spark' Caguioa

+3
DMac
betterhalf
MR. FAST
7 posters

Go down

Trivia: Mark 'The Spark' Caguioa Empty Trivia: Mark 'The Spark' Caguioa

Post by MR. FAST Fri Feb 24, 2012 3:10 pm

Trivia: Mark 'The Spark' Caguioa Caguioa

Alam
nyo ba na sa kanyang kindergaten report card, kita sa mga grades niya
na hindi siya magdodoktor o magiging engineer ngunit wala ring
nag-akala na ang batang tubong kalye Vergara, Lungsod Mandaluyong, ay
magiging sikat na basketbolista.

Ayon kay Quinito Henson,
isang sports analyst, naging ganito ang tingin kay Caguioa sapagkat
noon pa lang pagdating niya, may impact na kaagad sa publiko, parang
may kuryenteng dumadaloy, wika nga.

Para kay Chino Trinidad, isa
ring sports analyst at pinsan ni Caguioa, nasa manlalarong ito ang
ugaling "never say die" na siyang battle cry ng kanyang koponang
Ginebra San Miguel.

Nasa ikaapat na baitang sa elementarya si Mark Anthony Caguioa nang una niyang ipakita ang mararating sa loob ng hardcourt.

Kwento
ng tiyahing si Precy Resureccion, noong intramurals nila sa
elementarya, naka-score ng 47 puntos si Caguioa sa kabuuang score ng
kanyang team na 60.

Para kay Caguioa, hindi niya naisip na
maging superstar bagamat tulad ng ibang bata noon, may binalak din
niyang maging propesyunal na manlalaro.

Mula Estados Unidos,
dinala ni Caguioa ang bagong sigla at kakaibang "fashion statement" sa
Philippine Basketball Association (PBA).

Ani Henson, ang personalidad ni Caguioa, bukod sa headband at kulay ng buhok ang nagdala sa kanyang pagkatao.

Sa
height niyang 5'11," maraming nagsabi noon kay Caguioa na hanggang
panaginip na lang ang professional basketball ngunit lakas-loob siyang
bumalik sa bansa.

Matapos makuha bilang third-round draft pick
ng Ginebra, pinatahimik niya ang mga kritiko sa isang phenomenal season
performance kung kailan iniuwi rin niya ang prestihiyosong pagkilala
bilang 2001 Rookie of the Year.

Popular na kasabihan sa mga
basketbolan sa kanto na "bilog ang bola." Para sa isang batang-kalye na
umalis sa Pilipinas bilang "nobody" at bumalik sa bansa bilang
"celebrity," si Caguioa mismo ang patunay na totoo ang pamahiin sa mga
sementong basketbolan sa kalye.

Dating gawiIsang tahimik na gabi sa kalye Vergara, sinamahan ni Caguioa ang PiPOL sa lugar na pinagmulan niya.

Nabasag
ang katahimikan nang makita ng mga tao ang kanilan idolo. Daig pa niya
ang pulitikong nangangapanya sa dami ng mga taong gustong makipagkamay,
makasalamuha at magpakarga ng anak sa manlalarong tinaguriang "The
Spark."

Kahit na kulay blonde ang buhok, hindi dayuhan ang
turing ng mga mamamayan ng Mandaluyong kay Caguioa. Sa halip, isa
siyang kalipi na nagsumikap at nagpursige na may maibuslong swerte sa
ring ng buhay.

Lumaki at nagkaisip si Caguioa sa kalye Vergara,
sa isang maliit na bahay. Hindi kaila sa kanya ang kahirapan ng buhay
habang lumalaki.

Noon, nakailang ulit na bumalik ang ama ng
manlalaro sa Saudi Arabia upang magtrabaho. Ilang beses ding nangyari
ito para lamang maitawid sa kahirapan ang pamilya.

Palihim na
pinupuntahan ni Caguioa ang mga basketbolan sa Mandaluyong upang
panoorin ang kanyang idol na dating varsity basketball player -- ang
kanyang ama.

Siyam na taon si Caguioa nang umalis ang kanyang
pamilya sa Pilipinas upang makipagsapalaran sa Amerika. Doon rin niya
hinasa ang galing sa basketbol.

Sa kanyang second year sa
kursong physical theraphy major sa isang maliit na community college sa
California, nakita ng mga sports agent si Caguioa at inanyayahang umuwi
sa bansa. Kasunod nito ay ang karaniwang wika sa Ingles na "the rest is
history."

Dayuhan at Filipino-American kung ituring si Caguioa
sa mga diyaryo at magasin ngunit sabi ng pinsan niyang si Chino
Trinidad, kasing Pinoy ang basketbolista ng bagoong at balut.

Mismong
si Caguioa, sinasabing ang Amerikano lang sa kanya ay kulay ng buhok
ngunit sa kabuuan, Pilipino siya sa ugali at pag-iisip.

Ngunit
kung mayroon mang naging mabigat na kapalit ang paghabol ni Caguioa sa
pangarap niya, ito ay ang pagkakahiwalay sa kanyang pamilya.

Ang
pagsikat niya sa PBA ay isang paraan upang matulungan ni Caguioa ang
kanyang pamilya sa Amerika. Buong-buo at walang bawas kung ipadala ni
Caguioa sa pamilya ang sweldo niya mula sa professional basketball.

Ang kanya namang ama ang tumutulong upang i-invest ang pera sa mga makabuluhang bagay.

Aniya,
ang pamilya din ang dahilan kung bakit minsan, tinatanong ni Caguioa sa
sarili kung bakit mabigat ang kapalit ng pangarap.

Sa edad
niyang 22, maraming nagsasabi na malayo pa ang kanyang mararating pero
sa isang laro tuad ng basketbol na kasing bilis ng palitan ng score ang
pagkupas ng katanyagan, hindi lang galing ang kailangan kundi
pagpapakumbaba.

Para kay Mark Caguioa, hindi siya natakot
lumipad at managinip dahil isa lang ang paniwala niya: sa buhay walang
imposible. -->
Source: Pipol Episode
MR. FAST
MR. FAST
Admin
Admin

Male Posts : 18119
Location : Ginebra Tambayan

Back to top Go down

Trivia: Mark 'The Spark' Caguioa Empty Re: Trivia: Mark 'The Spark' Caguioa

Post by betterhalf Fri Feb 24, 2012 3:20 pm

tagal na nito ah..astig tlga si mc :caguioa:
betterhalf
betterhalf
Global Moderator
Global Moderator

Male Posts : 13764
Location : manila

Back to top Go down

Trivia: Mark 'The Spark' Caguioa Empty Re: Trivia: Mark 'The Spark' Caguioa

Post by DMac Fri Feb 24, 2012 3:46 pm

May video ba kyo ng PiPOL? di ko napanood ito ah...
DMac
DMac
Global Moderator
Global Moderator

Male Posts : 2458
Location : Pasig City
Humor : Today is the Tomorrow of Yesterday

Back to top Go down

Trivia: Mark 'The Spark' Caguioa Empty Re: Trivia: Mark 'The Spark' Caguioa

Post by nrod11 Fri Feb 24, 2012 4:04 pm

MR. FAST wrote:
Trivia: Mark 'The Spark' Caguioa Caguioa

Alam
nyo ba na sa kanyang kindergaten report card, kita sa mga grades niya
na hindi siya magdodoktor o magiging engineer ngunit wala ring
nag-akala na ang batang tubong kalye Vergara, Lungsod Mandaluyong, ay
magiging sikat na basketbolista.

Ayon kay Quinito Henson,
isang sports analyst, naging ganito ang tingin kay Caguioa sapagkat
noon pa lang pagdating niya, may impact na kaagad sa publiko, parang
may kuryenteng dumadaloy, wika nga.

Para kay Chino Trinidad, isa
ring sports analyst at pinsan ni Caguioa, nasa manlalarong ito ang
ugaling "never say die" na siyang battle cry ng kanyang koponang
Ginebra San Miguel.

Nasa ikaapat na baitang sa elementarya si Mark Anthony Caguioa nang una niyang ipakita ang mararating sa loob ng hardcourt.

Kwento
ng tiyahing si Precy Resureccion, noong intramurals nila sa
elementarya, naka-score ng 47 puntos si Caguioa sa kabuuang score ng
kanyang team na 60.

Para kay Caguioa, hindi niya naisip na
maging superstar bagamat tulad ng ibang bata noon, may binalak din
niyang maging propesyunal na manlalaro.

Mula Estados Unidos,
dinala ni Caguioa ang bagong sigla at kakaibang "fashion statement" sa
Philippine Basketball Association (PBA).

Ani Henson, ang personalidad ni Caguioa, bukod sa headband at kulay ng buhok ang nagdala sa kanyang pagkatao.

Sa
height niyang 5'11," maraming nagsabi noon kay Caguioa na hanggang
panaginip na lang ang professional basketball ngunit lakas-loob siyang
bumalik sa bansa.

Matapos makuha bilang third-round draft pick
ng Ginebra, pinatahimik niya ang mga kritiko sa isang phenomenal season
performance kung kailan iniuwi rin niya ang prestihiyosong pagkilala
bilang 2001 Rookie of the Year.

Popular na kasabihan sa mga
basketbolan sa kanto na "bilog ang bola." Para sa isang batang-kalye na
umalis sa Pilipinas bilang "nobody" at bumalik sa bansa bilang
"celebrity," si Caguioa mismo ang patunay na totoo ang pamahiin sa mga
sementong basketbolan sa kalye.

Dating gawiIsang tahimik na gabi sa kalye Vergara, sinamahan ni Caguioa ang PiPOL sa lugar na pinagmulan niya.

Nabasag
ang katahimikan nang makita ng mga tao ang kanilan idolo. Daig pa niya
ang pulitikong nangangapanya sa dami ng mga taong gustong makipagkamay,
makasalamuha at magpakarga ng anak sa manlalarong tinaguriang "The
Spark."

Kahit na kulay blonde ang buhok, hindi dayuhan ang
turing ng mga mamamayan ng Mandaluyong kay Caguioa. Sa halip, isa
siyang kalipi na nagsumikap at nagpursige na may maibuslong swerte sa
ring ng buhay.

Lumaki at nagkaisip si Caguioa sa kalye Vergara,
sa isang maliit na bahay. Hindi kaila sa kanya ang kahirapan ng buhay
habang lumalaki.

Noon, nakailang ulit na bumalik ang ama ng
manlalaro sa Saudi Arabia upang magtrabaho. Ilang beses ding nangyari
ito para lamang maitawid sa kahirapan ang pamilya.

Palihim na
pinupuntahan ni Caguioa ang mga basketbolan sa Mandaluyong upang
panoorin ang kanyang idol na dating varsity basketball player -- ang
kanyang ama.

Siyam na taon si Caguioa nang umalis ang kanyang
pamilya sa Pilipinas upang makipagsapalaran sa Amerika. Doon rin niya
hinasa ang galing sa basketbol.

Sa kanyang second year sa
kursong physical theraphy major sa isang maliit na community college sa
California, nakita ng mga sports agent si Caguioa at inanyayahang umuwi
sa bansa. Kasunod nito ay ang karaniwang wika sa Ingles na "the rest is
history."

Dayuhan at Filipino-American kung ituring si Caguioa
sa mga diyaryo at magasin ngunit sabi ng pinsan niyang si Chino
Trinidad, kasing Pinoy ang basketbolista ng bagoong at balut.

Mismong
si Caguioa, sinasabing ang Amerikano lang sa kanya ay kulay ng buhok
ngunit sa kabuuan, Pilipino siya sa ugali at pag-iisip.

Ngunit
kung mayroon mang naging mabigat na kapalit ang paghabol ni Caguioa sa
pangarap niya, ito ay ang pagkakahiwalay sa kanyang pamilya.

Ang
pagsikat niya sa PBA ay isang paraan upang matulungan ni Caguioa ang
kanyang pamilya sa Amerika. Buong-buo at walang bawas kung ipadala ni
Caguioa sa pamilya ang sweldo niya mula sa professional basketball.

Ang kanya namang ama ang tumutulong upang i-invest ang pera sa mga makabuluhang bagay.

Aniya,
ang pamilya din ang dahilan kung bakit minsan, tinatanong ni Caguioa sa
sarili kung bakit mabigat ang kapalit ng pangarap.

Sa edad
niyang 22, maraming nagsasabi na malayo pa ang kanyang mararating pero
sa isang laro tuad ng basketbol na kasing bilis ng palitan ng score ang
pagkupas ng katanyagan, hindi lang galing ang kailangan kundi
pagpapakumbaba.

Para kay Mark Caguioa, hindi siya natakot
lumipad at managinip dahil isa lang ang paniwala niya: sa buhay walang
imposible. -->
Source: Pipol Episode

At dahil walang imposible, MC47 will stay in PBA longer than we expected..Kudos Mark! Show everyone you ain't finished yet! Trivia: Mark 'The Spark' Caguioa 4050773363

nrod11
New comer
New comer

Male Posts : 73

Back to top Go down

Trivia: Mark 'The Spark' Caguioa Empty Re: Trivia: Mark 'The Spark' Caguioa

Post by rentboy Sat Mar 17, 2012 2:42 pm

WoW! Nice one Admin Fast Trivia: Mark 'The Spark' Caguioa 4232502557

Mga anong date kya ung episode?
rentboy
rentboy
MVP
MVP

Male Posts : 1763

Back to top Go down

Trivia: Mark 'The Spark' Caguioa Empty Re: Trivia: Mark 'The Spark' Caguioa

Post by geraldasakura Sat Mar 17, 2012 6:35 pm

anong channel ang pipol? paraa mahanap natin yung episode na yan... sencia na wala ako sa pinas kaya ignorante,,, hehe
geraldasakura
geraldasakura
Admin
Admin

Male Posts : 4115
Humor : I'm only responsible for what I say not for what you understand

https://ginebratambayan.hooxs.com

Back to top Go down

Trivia: Mark 'The Spark' Caguioa Empty Re: Trivia: Mark 'The Spark' Caguioa

Post by weirdwitch Wed Apr 25, 2012 2:46 am

wow my heart flutters while reading this... sana nga meron pang may kopya ng episode nya sa PiPol...
weirdwitch
weirdwitch
First Five
First Five

Female Posts : 711
Location : Taguig City
Humor : "ayokong nasasanay sa mga bagay na pwede namang wala sa buhay ko"

Back to top Go down

Trivia: Mark 'The Spark' Caguioa Empty Re: Trivia: Mark 'The Spark' Caguioa

Post by rentboy Sat Apr 28, 2012 5:58 pm

Strawhat Luffy wrote:anong channel ang pipol? paraa mahanap natin yung episode na yan... sencia na wala ako sa pinas kaya ignorante,,, hehe

Channel 2 pre. Try nyo bka may mkuha kaung copy ng episode ni MC47.

Thanks in advance Trivia: Mark 'The Spark' Caguioa 1510611536
rentboy
rentboy
MVP
MVP

Male Posts : 1763

Back to top Go down

Trivia: Mark 'The Spark' Caguioa Empty Re: Trivia: Mark 'The Spark' Caguioa

Post by Sponsored content


Sponsored content


Back to top Go down

Back to top

- Similar topics

 
Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum