I'm Proud to defend the Heart and Soul of my team
+3
geraldasakura
MR. FAST
agni
7 posters
Page 1 of 1
I'm Proud to defend the Heart and Soul of my team
Nakakalungkot na may mga BGSM fans na de pardible ang suporta sa team. Sila yung mga fans na "napakagagaling na critics" ng BGSM player, coaches at management.
May isang tulad nila ang nakilala ko kailan lang at ang masakit kapitbahay ko pa. BGSM fan din po sya pero nawalan ako ng respeto. Nanuod po sya ng huling laban ng team pero kahit nanalo na eh abot abot pa rin ang panlalait at pang aalipusta kay MC47. Na kesyo matanda na raw, dapat itapon na sa ibang team, predictable na ang laro, buwaya sa court at eto matindi, naging MVP lang daw dahil tinamaan ng injury kumbaga awa na lang ng PBA yung award na yun.
Nung mga oras na yun gusto ko ng mang away or mambastos ng kapwa pero dinaan ko na lang sa usapan bakit? una edukado po ako at pangalawa hindi ako tulad "nila"..... eto usapan namin at again mas matanda ito sakin....
Me: Sa tingin nyo... ok lang kaya sa inyo kung itapon kayo ng pamilya at mga apo nyo kung meron man sa home for the aged kasi matanda na kayo pero kayo ang nagtaguyod ng pamilya nyo at kayo rin ang dahilan kaya maayos sila ngayun
Him: Wala silang karapatang gawin sakin yun. Ako ang nagtaguyod sakanila...
Me: So wala rin kayong karapatang husgahan at itapon na si MC47 dahil matanda na sya pero sya ang dahilan ng pagiging matatag ng team hanggang ngayon....
Him: (hindi na kumibo at umalis na lang)........
Nakakalungkot pero ang dami kong nakikitang kritiko si Mark at ang masakit BGSM fans pa ang iba. Oo nasa twilight stage na ng career si Mark. Pero sya lang ang nakakaalam kung hanggang saan ang kaya nyang takbuhin para satin. Trabaho nya ang maglaro may fans man o wala. Kung hindi nyo sya gusto para sa team sarilinin nyo nalang dahil kung hindi na sya kailangan, bakit andyan pa sya at naglalaro para sa mga FANS ng team.
Tanungin ko nga kayo. May kilala ba kayong player na buong buhay eh inalay na sa basketball at sa mga fans na katulad ng pinakikita ni Mark(except tatang jawo dahil counted na yun)? May kilala ba kayong player na halos magpakamatay sa court mainspire lang ang team na lumaban pa at ipakita sa mga fans ng team nya na hindi pa tapos ang laban? Isang ehemplo si Mark ng pag asa. Ng inspirasyon. Ng tibay ng loob at determinasyong manalo sa laro man o sa buhay. Naglalaro sa Mark para sa mga naniniwala at sumusuporta sa team nya. Hindi sya naglalaro para sa naggagandahang opinyon ng iilang matatalinong fans ng team o ng PBA.
Trabaho ni Mark ang maglaro at mag pasaya ng fans. Hindi nya trabaho ang pagbigyan ang mga makasariling kagustuhan ng iilang nakakakita ng tunay daw na dapat maging itsura ng team. Hindi nya kailangan ng award para patunayang magaling sya. Ang pagkakaroon ng mga fans na naniniwala at nagmamahal sa kanya ay sapat ng premyo para sa kanya na binabayaran nya lang ng intensity sa court. Kung ayaw nyo na sa kanya nasa sainyo na yun. Masakit isipin pero sa mga tulad nyo rin galing ang mga panlalait kay mark. Wag nyong ideny dahil sa inyo ko yan narinig bago kumalat sa internet. Basta ako sampu ng milyon milyong fans ng team, masaya kami. Kayo? bahala kayo at itikom nyo ang mga bibig nyong walang silbi bakit? Dahil " nanonood lang naman" kayo. Hindi kayo yung nagpapakamatay sa court. Hindi kayo yung nilalait ng mga fans ng kalabang team. Hindi para sa inyo yung ginagawa nya. At hindi para sa inyo ang lahat ng pinaghihirapan nya.
agni- Practice player
- Posts : 151
Re: I'm Proud to defend the Heart and Soul of my team
Karamihan sa kanila hindi TEAM FAN, PLAYER FAN lang kaya ganun
Nakakalungkot na may mga BGSM fans na de pardible ang suporta sa team.
MR. FAST- Admin
- Posts : 18119
Location : Ginebra Tambayan
Re: I'm Proud to defend the Heart and Soul of my team
MR. FAST wrote:Karamihan sa kanila hindi TEAM FAN, PLAYER FAN lang kaya ganun
Nakakalungkot na may mga BGSM fans na de pardible ang suporta sa team.
ahahahahahahaha very well said @fasty
agni- Practice player
- Posts : 151
Re: I'm Proud to defend the Heart and Soul of my team
Madaming fan na ganyan.. yung iba mapagpanggap at yung iba fan lang kasi gwapo tapos kapag may gwapo na sa ibang team dun na sila..
Re: I'm Proud to defend the Heart and Soul of my team
geraldasakura wrote:Madaming fan na ganyan.. yung iba mapagpanggap at yung iba fan lang kasi gwapo tapos kapag may gwapo na sa ibang team dun na sila..
Tao ba yan tao ba yan??? ahahahaha baka beki yun
agni- Practice player
- Posts : 151
Re: I'm Proud to defend the Heart and Soul of my team
geraldasakura wrote:Madaming fan na ganyan.. yung iba mapagpanggap at yung iba fan lang kasi gwapo tapos kapag may gwapo na sa ibang team dun na sila..
exactly! nagiging fan lang yung iba sa mga player/s dahil gwapo
MR. FAST- Admin
- Posts : 18119
Location : Ginebra Tambayan
Re: I'm Proud to defend the Heart and Soul of my team
MR. FAST wrote:geraldasakura wrote:Madaming fan na ganyan.. yung iba mapagpanggap at yung iba fan lang kasi gwapo tapos kapag may gwapo na sa ibang team dun na sila..
exactly! nagiging fan lang yung iba sa mga player/s dahil gwapo
Ok sana kung girl eh kaso hindi lahat girl eh nyahahahahahaha
agni- Practice player
- Posts : 151
Re: I'm Proud to defend the Heart and Soul of my team
^dami nyan sa BEKIMEG
MR. FAST- Admin
- Posts : 18119
Location : Ginebra Tambayan
Re: I'm Proud to defend the Heart and Soul of my team
MR. FAST wrote:^dami nyan sa BEKIMEG
Nice one nyhahahaha
agni- Practice player
- Posts : 151
Re: I'm Proud to defend the Heart and Soul of my team
agni wrote:MR. FAST wrote:^dami nyan sa BEKIMEG
Nice one nyhahahaha
kitang kita mo naman sa tv kapag nakakashoot si fafa jems daming mga beki nagtatalunan
MR. FAST- Admin
- Posts : 18119
Location : Ginebra Tambayan
Re: I'm Proud to defend the Heart and Soul of my team
Nice one Kabs Agni!
skyscraper- Global Moderator
- Posts : 17217
Humor : #OustNoliEala
Re: I'm Proud to defend the Heart and Soul of my team
skyscraper wrote:Nice one Kabs Agni!
Thanks po @sky
agni- Practice player
- Posts : 151
Re: I'm Proud to defend the Heart and Soul of my team
agni wrote:skyscraper wrote:Nice one Kabs Agni!
Thanks po @sky
nalike mo na ba yung page? Sino kaya dun?
skyscraper- Global Moderator
- Posts : 17217
Humor : #OustNoliEala
Re: I'm Proud to defend the Heart and Soul of my team
skyscraper wrote:agni wrote:skyscraper wrote:Nice one Kabs Agni!
Thanks po @sky
nalike mo na ba yung page? Sino kaya dun?
Anong page po???
agni- Practice player
- Posts : 151
betterhalf- Global Moderator
- Posts : 13764
Location : manila
Re: I'm Proud to defend the Heart and Soul of my team
nagpa papansin lng kc un kc no pansin xia ni mark.......
babyevoces- Bench Player
- Posts : 427
Location : Cavite
Re: I'm Proud to defend the Heart and Soul of my team
agni wrote:skyscraper wrote:agni wrote:skyscraper wrote:Nice one Kabs Agni!
Thanks po @sky
nalike mo na ba yung page? Sino kaya dun?
Anong page po???
yung sa basketball try out pre..
skyscraper- Global Moderator
- Posts : 17217
Humor : #OustNoliEala
Re: I'm Proud to defend the Heart and Soul of my team
skyscraper wrote:agni wrote:skyscraper wrote:agni wrote:
Thanks po @sky
nalike mo na ba yung page? Sino kaya dun?
Anong page po???
yung sa basketball try out pre..
Na like na po pero hindi ko pa po nababasa yung ibang details
agni- Practice player
- Posts : 151
Re: I'm Proud to defend the Heart and Soul of my team
agni wrote:skyscraper wrote:agni wrote:skyscraper wrote:
nalike mo na ba yung page? Sino kaya dun?
Anong page po???
yung sa basketball try out pre..
Na like na po pero hindi ko pa po nababasa yung ibang details
oks.. me post nako dun pre.. pakisagot nalang :)
skyscraper- Global Moderator
- Posts : 17217
Humor : #OustNoliEala
Re: I'm Proud to defend the Heart and Soul of my team
nice article kabs agni ...............
garrett_jax- MVP
- Posts : 9552
Location : Brgy. GINEBRA
Similar topics
» Icon Jaworski proud to see never-say-die Gin Kings not let multitude of fans down
» MC47: Heart of the PBA
» Change of heart... after eight hours.
» Jaworski: Play your heart out
» ACES DEFEND FIFTH SPOT VERSUS KINGS
» MC47: Heart of the PBA
» Change of heart... after eight hours.
» Jaworski: Play your heart out
» ACES DEFEND FIFTH SPOT VERSUS KINGS
Page 1 of 1
Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum
|
|