Namatay na nga ba ang Never Say Die Attitude ng Barangay Ginebra?
+4
garrett_jax
raqui2101
KBaranggay
MR. FAST
8 posters
Page 1 of 1
Namatay na nga ba ang Never Say Die Attitude ng Barangay Ginebra?
Namatay na nga ba ang Never Say Die Attitude ng Barangay Ginebra?
Kapag sumabat ka sa isang usapan tungkol sa larong basketball at narinig mo ang salitang Ginebra, hindi bat ang pumapasok sa iyong iisipan at naiilarawan ng iyong imahinasyon ay ang koponan sa PBA?
Bagaman ito’y isang uri ng inumin na masarap pagsaluhan sa tambayan mas pumapasok sa ating isipan ang Barangay Ginebra San Miguel Team. Kung ikaw ay die hard fan ng Ginebra ang bawat maririnig mong istorya tungkol sa kanila ay parang musika sa iyong pandinig.
Ang isang tunay na Ginebra fan, manalo matalo hindi bibitaw sa pagiging fan. Loyal ika nga. Die hard fan. Lahat ng artikulong lalabas sa dyaryo binabasa, lahat ng pages sa websites, facebook, twitter titingnan. Yan ang Ginebra Fan.
San galing ang karisma ng Ginebra, lahat tayo alam ang istorya. Kay Jawo nagsimula ang lahat. Hindi naman sila magagaling lahat. Simple simple lang ang basketball sa kanila. Di sila highly paid basketball players. Sila ay isang ordinaryong maglalaro na minamahal ang laro. Sinasamantala ang opurtunidad na nasa PBA sila.
Pero ang prinsipyo na ikinintal ni Jawo sa ganyang mga players ay nananitili hanggang sa kasalukuyan, ilang dekada na ang dumaan. Minahal sila ng fans kasi naman kahit akalain mo talo na sila, pero hindi sila bumibitaw sa laban.
Ika nga ni Jawo “hindi pa tapos ang laban hanggat may oras pa”. Kahit tambak na at parang paghihinaan na ng loob ang mga players nya, tuloy pa din ang laban kasi “bilog ang bola”. Ibig sabihin may pag-asa. Ang mga fans nga noon parang bibigay na bigla na lang silang mabubuhayan ng loob ayan ang ginebera bumawi na.
Dito sa prinsipyong ito sumikat ang Ginebra. They may never win the games, but they always win the heart of the people, most specially the heart of all Pinoy Basketball Loving Fans.
Ilang beses nang pinaiyak ang mga fans ng Ginebra sa mga talo nila sa bawat kumperensya. Pero hindi sila bumibitiw, patuloy pa din silang umaasa at sumisigaw ng Ginebra Ginebra Ginebra. Ilang taon ng sawing palad ang Barangay Ginebra na makamit ang kampeonato. Pero patuloy pa ding umaasa ang milyong milyong nilang tagasuporta.
Balik tanaw tayo sa nakaraang Philippine Cup. Ang lakas ng Ginebra. May dalwang tore, may JJ at Caguiao, may Mamaril at Reyes, Urbistondo at Tenorio, Ababou at Faundo, Monfort at Ellis, Baracael at Forrester, may very suportive na manager, may magaling na coach. Ano pa ba ang hahanapin mo sa kanila? Wala na. Lahat sila superstars. Kabaligtaran nung mga nauna na sumikat at gumaling lamang dahil sa kanilang pagtityaga. Sila magaling na talaga.
Gusto mo bang pumasok sa PBA? Anong Team gusto mong Maglaro? Ginebra di ba? Kasi walang kahirap hirap sikat ka agad. Wala eh Ginebra eh. Pasintabi naman sa mga ilang pang original players tulad ni Caguiao, JJ at Mamaril. Nagpakapagod din naman sila para sa Ginebra para marating ang tugatog ng kasikatan.
Yung mga ibang players nag sisikap din naman. Pero saan nga ba ang kulang? Bakit nga ba lagi silang die na lng ng die. Nawala ang never say die.
Game Six noon Sang Mig Coffee versus Barangay. Animoy luluha na agad ang mga fans ng Gin Kings nun. Pero pinangunahan ni Caguiao ang kanyang mga kakampi. Hindi sya basta ngumanga na lang doon. Lumaban kahit hirap na, patay kung patay. Ilang beses na bang nagkaron ng injury si Caguiao para lang isurvive ang Ginebra. Ang ganda nga ng nilalaro nya noong Governor’s Cup ata yun eh, 20 + points average nya bago sya mainjury.
Tapos bago nun MVP pa nga sya kahit muntik ng mabulag. Si Caguiao, sa kabila ng kanyang edad, kaya pa nyang pangunahan ang Ginebra. Paniwalain nya lang ang kanyang sarili na kaya pa nya. Iwasan nya lang na sabihin sa sarili nya na may mga twin towers naman, may LA naman. May Chris Ellis naman at Baracael. Hindi Ka pa maedad Mark, dapat sa bawat pag dagdag ng edad pag gulang pa din sa paglalaro.
Sa totoo lang hindi pa laos si Caguiao madami pa syang ibubuga. Kailangan nya lang maniwala muli. Ganun pa din naman ang galaw nya sa kabila ng kanyang umaakyatna edad. Ilang beses pa nga nyang pinagpag si Romeo na batang bata. Si Paul Lee na siga. Si Abueva na wala. Hindi pa din mabilang.
Kumbaga, may asim pa si Caguiao. Kailangan nya lang muling maniwala sa sarili nya. Basta hindi pa sya nagreretiro sya pa ding ang Lider ng Barangay. Ipasa mo lang kay LA or Japeth pag nagretiro ka na. Kaya nga ikaw si Caguiao eh,furious.
Si JJ ay isa pa din na maasahan ng Ginebra. Hindi bat kahit hirap na hirap na sila noon ay patuloy pa din nyang binibigyan ng buhay ang kanyang koponan. Lumalaban kahit nasusugatan. Muntik na nga syang magretiro pero kinunbinsi sya ni Caguiao na may asim pa din sya. At pinatunayan nya yung muli habang nasa bangko si Mark at nagpapagaling ng injury.
Noong laban sa San Mig, hindi pa din bumitiw si JJ. Ganda na nga ng batay nya kay Simon kaya lang medyo nakatimon kaya shoot pa din ng shoot si Simon. Katulad ni Caguiao kailangan nya ding maniwala sa kanyang kakayanan, na hindi pa sya laos at may ibubuga pa sya. The fast eh, anjan ka pa sa PBA wag lang magpeteks kaya pa talga nya.
Isa pang kahanga hanga ay ang pakikipagdigma sa basketball court ni Mamaril. Hindi sya makapag laro ng marmaing oras dahil nga meron silang kambal na tore. Pero sa bawat minutong ipapasok si mamaril Para maglaro, isusugal nya lahat. Hahablutin ang bola kahit kay Pingris pa pumunta. Babantayan kahit sino. Babangga, at dadambahin ang bola paralang maisalba. Wala eh Ginebra eh.
Silang tatlo nina Mark, JJ at Mamaril ay hindi pa laos. Mukha lamang nawala ang kanilang paniniwala na kaya pa nila. How I wish andun si Hatfield noong Game 7. Baka at least sya ay nagbigay ng buhay. Energizer eh. The h-Bomb may pasabog.Eh ano nga gagawain eh wala na.
Hindi lubos maisip ng nakakarami na ang never say die ay matagal ng namatay. 7 minuto pa ang nalalabi noong game 7 laban sa San Miguel, hindi naman karamihan ang lamang, ano bat wala man lang isa sa koponan or sa coaching staff ng Ginebra na nagbigay ng lakas loob na patuloy pang lumaban. Patay na patay ang never say die noon.
Animoy mga fans na lamang ang hindi nag gigive up, ang mga fans gusto ng maglaro para maibangon ang Ginebra. Mga fans na gusto ng mag coach para magbigay ng lakas loob. Sapagkat ang lahat ay maagang bumitiw sa laban. Tinawag na nga lahat ng santo eh para magkaron ng milagro. Ito naman team ang animoynaengkanto.
Si Coach Ato Magaling na basketball Player yan. Nkapag pa champion na din sa petron yan. Pero ang hindi mawarit maisip ng mga pinoy basketball lowing fans ay ang mga ginwa nya noon gang Ginebray nanghihngalo na.
Hindi maiwan ang hind magkumpara eh. Noong panahon ni Jawo lahat ng tao sa bangko hindi umiinit. Naglalaro lahat takbon ng takbo depensa ng depensa. Take note,hindi sila mga noon superstar ha.
Ngayon super star ang line up Ginebra pero anong ginawa nya kay Ababou? Hindi bat sa first game ay best player agad sya. Laway na laway nga ang ibang team makuha sya eh. UAAP MVP eh. Bakit mo ibinangko Ato. Si Forrester, anong ginawa mo, wala ka na mabunot ayaw mo pa bunotin.
Si Faundo kaya ding mangalabaw sa laro ah, pero pinainit mo lang din ang puwet sa bangko. Kasalanan ba ito ni Coach Ato,mahirap humusga Pero nung game 7, ikaw ang Coach malamang may atraso ka. HIndi ka po sinisisi Coach Ato, pero meron ka po talagang liability.
Hari manawari ay magmuni muni si Coach na makabawi sa pagkakamali sapagkat ang ginebra ay hindi lamang pambarangay, ang Barangay ginebra ay hindi lamang pang pilipinas. Ang Barangay Ginebra ay Pambasang Team, sa maniwala kayo at sa hindi. Habang ang mga fans ay patuloy na naniniwala, sana away kayo mismo sa inyong team ay magtiwala din.
Habangmay oras pa,hindi pa tapos ang laban. Sa basketball, bilog ang bola. May pag-asa.
Sa panibagong kumperensya, ngayong Commissioner’s Cup, muli kayang buhayin ng Ginebra ang namatay nilang espirito, ang never-say-die-spirit? Kung hindi sila babangon, ay nanganganib na mawalan na din ng pag asa ang kanilang milyong milyong tagahanga.
Baka sila’y maniwala sa isa pang team sa PBA na medyo kahalintulad ng Ginebra ni Jawo. Ang Rain or Shine, ang bagong never say die.
Namatay na nga ba ang Never Say Die Attitude ng Barangay Ginebra?
Source: Pinoybasketball.net
MR. FAST- Admin
- Posts : 18119
Location : Ginebra Tambayan
Re: Namatay na nga ba ang Never Say Die Attitude ng Barangay Ginebra?
ang coach ang tumatayong haligi ng isang team.. kng my kelang gawn xa ang ngddesisyon.kng my kelangng pagsabhan xa ang massunod..kng my kelangng palitan.xa ang massunod,kng my kelangng ipasa xa rn un..at kng my kinakailangng palakasin ang loob xa dn dpt un.lht un pra skn d ngawa ni ato nung series vs sanmig..d pa patay ang never say die ng ginebra kelangn lng buhayn ang dugo,mata at puso ng kng cnung nmmahala dto
KBaranggay- New comer
- Posts : 74
Re: Namatay na nga ba ang Never Say Die Attitude ng Barangay Ginebra?
ang problema di alam kung sino ang coach ngayon.... tsk tsk tsk
raqui2101- First Five
- Posts : 580
Re: Namatay na nga ba ang Never Say Die Attitude ng Barangay Ginebra?
chemistry sa coach ang problema .......... hehehe
garrett_jax- MVP
- Posts : 9552
Location : Brgy. GINEBRA
Re: Namatay na nga ba ang Never Say Die Attitude ng Barangay Ginebra?
nakakalungkot mn isipin, pero parang nawala na nga ang NSD attitude nila...ibang iba na compare sa dating Ginebra Ni JAWO ang ginebra ngayon ni ato...malamangan lng ng sampu ayawan na...narinig ko chant ng san mig nung sunday na "uwian na! uwian na" sbrang badtrip! npkahirap tanggapin! parang gusto ko hamunin ng suntokan kapitbahay ko na san mig fan! hahaha
Alakero- Practice player
- Posts : 139
Location : Imus Cavite
Re: Namatay na nga ba ang Never Say Die Attitude ng Barangay Ginebra?
ganyan talaga ........ palakasan ng asar ......... pero ibabalik din natin sa kanila yan ....... hehehhee
sa ngaun, magiging bingi muna tayo ...... hehehehe
sa ngaun, magiging bingi muna tayo ...... hehehehe
garrett_jax- MVP
- Posts : 9552
Location : Brgy. GINEBRA
Re: Namatay na nga ba ang Never Say Die Attitude ng Barangay Ginebra?
haist...sana maka tsamba tayo mamaya, para 2-2, mas ok yun kesa 1-3...hay sna swertehin sila mmaya..tsk
Alakero- Practice player
- Posts : 139
Location : Imus Cavite
Re: Namatay na nga ba ang Never Say Die Attitude ng Barangay Ginebra?
bawas ng star player kumuha ng mga reinforcement. ung mga tipong makipag palitan ng mukha sa laro..
betterhalf- Global Moderator
- Posts : 13764
Location : manila
Re: Namatay na nga ba ang Never Say Die Attitude ng Barangay Ginebra?
pwede na ba klasmeyt si calvin? ............. heheheh
garrett_jax- MVP
- Posts : 9552
Location : Brgy. GINEBRA
Re: Namatay na nga ba ang Never Say Die Attitude ng Barangay Ginebra?
naku wag na si abueva.... kainis un.... iba na alang
raqui2101- First Five
- Posts : 580
Re: Namatay na nga ba ang Never Say Die Attitude ng Barangay Ginebra?
Kabs Mr. Fast, sino ba yung CAGUIAO? Wala naman tayong player na Caguiao...Caguioa ata un (sorry, kasi sa buong topic mo Caguiao ang nakatype). Pero for me, Caguiao man o Caguioa, siya rin un, si MC47...just a bit of joke kabs...
ampogi- Bench Player
- Posts : 405
Re: Namatay na nga ba ang Never Say Die Attitude ng Barangay Ginebra?
NICE game for mark and JJ... MARK- 15 PTS 14 RBS.
JJ- 13 PTS ( 5/8 FG) ... Sila pa rin ang leader ng TEAM....
JJ- 13 PTS ( 5/8 FG) ... Sila pa rin ang leader ng TEAM....
neljimz- First Five
- Posts : 616
Re: Namatay na nga ba ang Never Say Die Attitude ng Barangay Ginebra?
Half of rodgers score came from FT's...Inbound lng ng bola TO pa (twice ngyari yun)..kala ko ba veterans to?..tsk tsk coaching staff/mngt isip isip din pg my time..
Alakero- Practice player
- Posts : 139
Location : Imus Cavite
Re: Namatay na nga ba ang Never Say Die Attitude ng Barangay Ginebra?
kabs hindi ako ang writer nyan ha..ampogi wrote:Kabs Mr. Fast, sino ba yung CAGUIAO? Wala naman tayong player na Caguiao...Caguioa ata un (sorry, kasi sa buong topic mo Caguiao ang nakatype). Pero for me, Caguiao man o Caguioa, siya rin un, si MC47...just a bit of joke kabs...
para saken sa line up ng team including officials, parang wala ng may alam kung ano ang NSD sa GINEBRA..
MR. FAST- Admin
- Posts : 18119
Location : Ginebra Tambayan
Re: Namatay na nga ba ang Never Say Die Attitude ng Barangay Ginebra?
ok lang kabs, no offense meant ang message ko....sorry....totoo sabi mo, players and bench officials much more the management ayaw na hawakan ang nsd attitude....haist..
ampogi- Bench Player
- Posts : 405
Similar topics
» 3 IN A ROW FOR BARANGAY GINEBRA
» Bakit Barangay Ginebra?
» Barangay Ginebra's Gin-ovela
» Lyrics: Sa Barangay Ginebra
» Barangay Ginebra New Jingle
» Bakit Barangay Ginebra?
» Barangay Ginebra's Gin-ovela
» Lyrics: Sa Barangay Ginebra
» Barangay Ginebra New Jingle
Page 1 of 1
Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum