Undying ginebra love
+11
neljimz
ruxs_14
athankings
skyscraper
geraldasakura
jianaustin
DMac
dencio
MR. FAST
betterhalf
agni
15 posters
Page 1 of 3
Page 1 of 3 • 1, 2, 3
Undying ginebra love
Nanood kaming magkapatid sa araneta last sunday. San Mig fan sya samantalang ako well alam na hehe. I want the team win pero alam naman na ang nangyari diba, sa harap ko mismo dinurog ang team ko. Gusto kong magwala nung mga oras na yun lalo na at ginagatungan pa ko ng kapatid ko. " wala bugok na ang mga hari mo" ( well joke nya yun dahil alam nya na mag aaway lang kami pag ipinilit pa nya).patapos na 3rd Quarter hindi ko na balak tapusin ang laro dahil naamoy ko naman na ang resulta. Walang play na matino, walang leadership( except LA and Mark), wala na yung gigil factor ng team, lahat bagsak na balikat. Patayo na ko nung may napansin akong isang bata na bukod tanging sumisigaw tuwing makakascore ang BGSM. Kitang kita ko sa kanya na tuwang tuwa sya. At napapa dabog tuwing nakakascore ang Mixers.
Hindi ko nakikita sa kanya na tinanggap na nya na natatalo na ang team nya. Basta tuwang tuwa sya na makita maglaro ang Ginebra sa harap nya. Hanggat may natitirang oras nag chi cheer sya para sa team kahit halos sila na lang ng guardian nya ang nasa section na yun. Nasabi ko nalang na bata pa kasi kaya ang gusto nya lang gawin ay maging masaya sa panonood ng live pero iba ang naramdaman ko sa batang yun na kumalabit ng atensyon ko.
Natapos ang game. Syempre talo sumabay na rin akong lumabas habang palabas ang mga players sa court. Pero laking gulat ko nung tinawag ako ng kapatid ko at itinuturo yung bata kanina. Nakita ko pinipilit kumawala sa guardian nya at itinuturo ang mga players sumisigaw sya at kumakaway. May nakita akong player na kumaway din pero hindi ko namukhaan kung JJ ba or si Rico M. Nung nakalabas na lahat ng players saka palang nakumbinse ng guardian nya na lumabas na rin sila.
Naglakas loob akong lapitan at kausapin ang bata. Nagkainteres ako na makilala sya (unfortunately hindi pumayag yung guardian/nanay na makunan ko sila ng pic pero pumayag na mailebre ko ng pagkain yung bata sa isang fast food chain para mapatahan ko lang sa kaiiyak).Nung kumakain na kami tinanong ko yung bata kung bakit sya umiiyak kanina at ito ang buong kwentuhan namin:
Me:Bakit ka umiiyak pagkatapos nung game?
Bata: lagi nalang kasing natatalo sila "kuya JJ at Kuya Mark"(kinilabutan ako dun).
Me:Eh ganun talaga sa mga laro may natatalo at may nanalo. Nagkataon siguro na malakas yung team na nakalaban nila.
Bata:Hindi. Mas magaling ang mga kuya ko. Ang galing ngang mag shoot ni kuya mark ko eh.
Me: Ok. Eh bakit ka kumakaway kanina sa kanila saka umiiyak ka pa? anu yung sinisigaw mo?
Bata:Sabi ko kay kuya jj at kuya mark ko "kuya jj, kuya mark "ibawi nyo kami ah" laro kayo ulit ah.
Me: Ang sweet mo namang kapatid. Ano nman sagot nila sayo
Bata:Si kuya mark sabi nya " pangako, promise ibabawi ka namin" "nood ka ulit ha". ( dito ako tuluyang nanlamig)
Me:Alam mo ba na marami ng fans ang halos ayaw na sa ginebra kasi lagi silang talo? Hindi ka ba ganun?
Bata:Hindi. Basta love na love ko mga kuya ko at manonood ako lagi. Sila ang lalaban sa last games promise.
Me:Pano kung hindi sila ang lalaban sa last games, manonood ka parin ba?
Bata:Basta pag wala akong pasok manonood ako pag may laro ang mga kuya ko. Lagi akong nag iipon pambili ng tiket.
Me:Hindi ka ba nagagalit sa mga kalabang team ng mga kuya mo?
Bata:Hindi. Kasi ang alam ko mga kings lang ang magaling.
Me:Pano kung matalo na lang sila ng matalo. Manood ka pa rin?
Bata:Opo. Hindi po quitter ang mga kuya ko.
Natapos ang kuwentuhan namin. Natapos ng may paghanga para sa bata. Sa murang edad nagkaroon ng napakataas na respeto at pag hanga sa mga players ng team. Isang purong never say die spirit ang natagpuan ko nung gabing yun.hanggang sa ngayun natatanong ko pa rin ang sarili ko. " How come na ang isang batang tulad nya ay naging mature pa sakin in terms of being a fan of my team?" sakit sa batok ang sakit sa panga. Feeling ko ako yung nag kulang sa pagkilala at pag support sa team ko. Nagpapasalamat ako sa batang yun. Binuksan nya ko sa tunay na diwa ng isang fan BGSM. nagpapasalamat ako sa kanya dahil ipinakilala nya sakin ang pagiging tunay na fan ng ginebra. Isang fan na may undying love and support. Hindi ko alam kung talagang kinausap talaga sya ni MC47 nung gabing yun pero who knows? bihira sa bata ang sinungaling at kung kasinungalingan man wala na akong pakialam.
Hindi ako magaling na writer or blogger. Pero sinulat ko to para gisingin din ang mga tulad kong BGSM fans na nakakalimot na sa tunay na essence ng NEVER SAY DIE attitude. Kung mahal nyo ang team, isang dahilan lang sapat na. Kung dismayado ka na hindi mo na kailangan ng dalawang dahilan. Kung fan ka, sumuporta ka tapos.
hulaan nyo kung ilang taon na yung bata......13 years old. Trese anyos. Isang batang punong puno ng pag asa. Punong puno ng pag hanga at respeto. Isang fan na hindi ko maihahalintulad sa iba. Isang fan na handang mag cheer sa team kahit sya nalang ang tao sa audience sections. Isang fan na hinding hindi iiwan ang kanyang team anut ano man ang mangyari. Isang fan na walang pakialam sa standings. Basta ang alam nya at sigurado sya na masaya sya pag naglalaro ang mga hari sa court.
manood ako ulit ng live at sana sa susunod makita ko sya ulit. At sa araw na yun at sa mga susunod pang laban ng Ginebra, magkasama kaming sisigaw. Magkasama kaming mag chi cheer. Magkasama kaming iiyak pag natalo ang gin kings.
agni- Practice player
- Posts : 151
Re: Undying ginebra love
nakakaawa nman ung bata
betterhalf- Global Moderator
- Posts : 13764
Location : manila
Re: Undying ginebra love
Nakuryente ako habang binabasa ko yung pag uusap nyo kabs agni.. grabe! napakabibo nung bata!
salamat sa pagshare kabs agni!
@DKT - pre paki link sa FB sigurado maraming matutuwa sa sinulat ni kabs agni.
salamat sa pagshare kabs agni!
@DKT - pre paki link sa FB sigurado maraming matutuwa sa sinulat ni kabs agni.
MR. FAST- Admin
- Posts : 18119
Location : Ginebra Tambayan
Re: Undying ginebra love
nakakatouch sa totoo lang,minsan talaga mas nakakaintindi ang mga bata sa mga bagay bagay,,kesa sa mga well nagbabata-bata-an na pnapa-kumplikado ang mga sitwasyon,,
dencio- Rookie
- Posts : 252
Re: Undying ginebra love
Nice one! kinilabutan din ako sa nabasa ko.
DMac- Global Moderator
- Posts : 2458
Location : Pasig City
Humor : Today is the Tomorrow of Yesterday
Re: Undying ginebra love
kabs agni nakuha mo ba name nung bata?
sobrang napahanga nya ko! astig talaga!
sobrang napahanga nya ko! astig talaga!
MR. FAST- Admin
- Posts : 18119
Location : Ginebra Tambayan
Re: Undying ginebra love
nka link ko na sa fb
betterhalf- Global Moderator
- Posts : 13764
Location : manila
Re: Undying ginebra love
nsa twitter na si mc diba sna mabasa nya ito
betterhalf- Global Moderator
- Posts : 13764
Location : manila
Re: Undying ginebra love
MR. FAST wrote:kabs agni nakuha mo ba name nung bata?
sobrang napahanga nya ko! astig talaga!
Kabs niko or nico ang sabi nyang name nya.
saang fb account to na link at pupuntahan ko hahaha
agni- Practice player
- Posts : 151
Re: Undying ginebra love
DKT_niceguy wrote:nka link ko na sa fb
saang account boss
agni- Practice player
- Posts : 151
Re: Undying ginebra love
agni wrote:MR. FAST wrote:kabs agni nakuha mo ba name nung bata?
sobrang napahanga nya ko! astig talaga!
Kabs niko or nico ang sabi nyang name nya.
saang fb account to na link at pupuntahan ko hahaha
salamat kabs agni!
sa left side na panel naten yung nsd tambayan na affiliates
MR. FAST- Admin
- Posts : 18119
Location : Ginebra Tambayan
betterhalf- Global Moderator
- Posts : 13764
Location : manila
Re: Undying ginebra love
pre hindi mo kailangan maging isang magaling na blogger or writer para maexplain ang lahat ng ito, sa kwento mo at write ups ay nadala mo kami sa pangyayari, effortless.. sobrang nalungkot ako sa bata at sa lahat ng mga nakakaramdam ng kalungkutan dahil sa nangyayari sa team natin but isa lang masasabi ko, keep the faith, there'e a rainbow after the rain.. Nice one!
Re: Undying ginebra love
ula bata hangang sa pagtanda wlang pinipili ang lahing ginebra..ganyan magmahal ang fans ng ginebra
betterhalf- Global Moderator
- Posts : 13764
Location : manila
Re: Undying ginebra love
Kakainspire talaga! sarap basahin ng usapan nyo kabs agni!
MR. FAST- Admin
- Posts : 18119
Location : Ginebra Tambayan
Re: Undying ginebra love
nice one kabs agni!
Nagrequest si Admin Gerald kabs! taga san ka ba? Isasama kita sa GinebraFancon!Ako na bahala sa ticket mo! PM mo saken # mo para makontak kita
Nagrequest si Admin Gerald kabs! taga san ka ba? Isasama kita sa GinebraFancon!Ako na bahala sa ticket mo! PM mo saken # mo para makontak kita
skyscraper- Global Moderator
- Posts : 17217
Humor : #OustNoliEala
Re: Undying ginebra love
Barangay Ginebra @barangayginebra
Undying Ginebra Love by Agni | http://bit.ly/YPfvt8
Expand Reply Retweeted Favorite
Undying Ginebra Love by Agni | http://bit.ly/YPfvt8
Expand Reply Retweeted Favorite
athankings- MVP
- Posts : 5740
Humor : I may look tough, but inside I'm easily broken. My words may seem strong, but inside I've never spoken.
Re: Undying ginebra love
athankings wrote:Barangay Ginebra @barangayginebra
Undying Ginebra Love by Agni | http://bit.ly/YPfvt8
Expand Reply Retweeted Favorite
nice one mod athan! apir
MR. FAST- Admin
- Posts : 18119
Location : Ginebra Tambayan
Re: Undying ginebra love
kabs agni anu fb mo pki pm lang skin may check lang ako tnx
athankings- MVP
- Posts : 5740
Humor : I may look tough, but inside I'm easily broken. My words may seem strong, but inside I've never spoken.
betterhalf- Global Moderator
- Posts : 13764
Location : manila
Re: Undying ginebra love
pre open mo ym mo :0
athankings- MVP
- Posts : 5740
Humor : I may look tough, but inside I'm easily broken. My words may seem strong, but inside I've never spoken.
Re: Undying ginebra love
open na pre ano meron
betterhalf- Global Moderator
- Posts : 13764
Location : manila
Page 1 of 3 • 1, 2, 3
Similar topics
» I love my ginebra haters
» Ginebra rookies feel the love
» 'Kabarangay' Sangalang surprised to feel the love by Ginebra fans in San Mig bow
» LA Tenorio overwhelmed by the undying support of 'best fans in the world'
» B-day boy Jaworski’s 1st love: not basketball
» Ginebra rookies feel the love
» 'Kabarangay' Sangalang surprised to feel the love by Ginebra fans in San Mig bow
» LA Tenorio overwhelmed by the undying support of 'best fans in the world'
» B-day boy Jaworski’s 1st love: not basketball
Page 1 of 3
Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum
|
|