ginebratambayan.hooxs.com
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.

Gin Kings, Energy Cola mag-aagawan sa panalo

2 posters

Go down

Gin Kings, Energy Cola mag-aagawan sa panalo  Empty Gin Kings, Energy Cola mag-aagawan sa panalo

Post by Ginebra Tambayan Fri Oct 19, 2012 10:04 am

Gin Kings, Energy Cola mag-aagawan sa panalo
Ni Russell Cadayona(Pilipino Star Ngayon) Updated October 19, 2012 12:00 AM

Laro Ngayon

(Smart Araneta Coliseum )

5:15 p.m. Petron vs Alaska

7:30 p.m. Barako Bull vs Ginebra


MANILA, Philippines - Mag-uunahang buma­ngon ang Gin Kings, Boos­ters at Energy Cola, habang target naman ng Aces ang kanilang ikalawang sunod na panalo.

Lalabanan ng Barangay Ginebra San Miguel ang Barako Bull ngayong alas-7:30 ng gabi matapos ang salpukan ng Alaska at Petron Blaze sa alas-5:15 ng hapon sa elimination round ng 2012-2013 PBA Philippine Cup sa Smart Araneta Coliseum.

Kapwa nanggaling sa kabiguan ang Gin Kings, Boosters at Energy Cola at nanalo naman ang Aces matapos ang 0-2 pagsisimula.

Tangan ng nagdedepensang Talk ‘N Text ang liderato mula sa kanilang 3-0 record kasunod ang San Mig Coffee (2-0), Ginebra (2-1), Rain or Shine (2-1), Meralco (2-2), Petron Blaze (1-2), Barako Bull (1-2), Alaska (1-2), Globalport (1-3) at Air21 (1-3).

Natalo ang Gin Kings sa Bolts, 88-95, noong Oktubre 13, samantalang yumukod ang Energy Cola sa Aces, 86-102, noong Oktubre 14.

Ang naturang panalo sa Barako Bull ang siyang sasakyan ng Alaska sa pagharap sa Petron, nagmula sa 84-90 kabiguan sa San Mig Coffee noong Oktubre 14.

“There was a lot of expectations from us in the pre-season because we were 7-1,” sabi ni coach Luigi Trillo sa kanyang Aces na nakahugot ng 24 points kay JVee Casio, 23 kay Cyrus Baguio at 21 kay Mac Baracael sa kanilang panalo laban sa Energy Cola.

Inaasahang maglalaro na para sa Alaska si No. 2 overall pick Calvin Abueva.

“We’re excited kasi wala pa si Calvin. He’s a game changer,” wika ni Trillo sa 6-foot-3 na si Abueva.


Source: Philstar.com
Ginebra Tambayan
Ginebra Tambayan
News Maker
News Maker

Male Posts : 1095

Back to top Go down

Gin Kings, Energy Cola mag-aagawan sa panalo  Empty Re: Gin Kings, Energy Cola mag-aagawan sa panalo

Post by MR. FAST Fri Oct 19, 2012 11:52 am

3-1 yan! Gin Kings, Energy Cola mag-aagawan sa panalo  1211985589
MR. FAST
MR. FAST
Admin
Admin

Male Posts : 18119
Location : Ginebra Tambayan

Back to top Go down

Back to top

- Similar topics

 
Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum