ginebratambayan.hooxs.com
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.

Matindi ang Cortez-Tenorio tandem

5 posters

Go down

Matindi ang Cortez-Tenorio tandem Empty Matindi ang Cortez-Tenorio tandem

Post by garrett_jax Mon Sep 03, 2012 7:46 am

Marami akong pilyong kaibigan na nagsasabing parang “ironic’ na maglalaro si LA Tenorio sa ilalim ng pamamatnubay ni Barangay Ginebra coach Bethune “Siot” Tanquingcen.

Ito’y base sa pangyayaring dati na silang nagka­sama sa San Miguel Beer (ngayon ay Petron Blaze) subalit hindi nagtagal ang partnership na ito.

Magugunita kasing ginawa ng San Miguel ang la­hat upang makuha sa first round si Tenorio noong 2006. Matagal nilang pinangarap na makapaglaro sa kanila ang point guard na nagbuhat sa Ateneo upang ito ang siyang maging chief back-up ng isa pang da­ting Atenista na si Rodericko Racela. Kumbaga’y kay Tenorio maipapasa ang renda ng San Miguel sakaling magretiro si Racela.

Natupad naman ang pangarap na iyon.

Ang siste’y matapos ang isang conferences ay hiniling ni Tanquingcen, na noo’y head coach ng SMB, na i-trade si Tenorio at kunin sa halip ang beteranong si Mike Cortez buhat sa Alaska Milk.

Dahil sa ang coach ang siyang humiling ng trade, pinagbigyan naman si Tanquingcen. So, napunta sa Alas­ka Milk si Tenorio. Pabor iyon sa Aces dahil sa mas healthy si Tenorio kaysa kay Cortez na galing sa knee injury.

Hayun, sa pagtitimon ni Tenorio ay namayagpag ang Aces at nagwagi ng ilang kampeonato.

Fast forward.

Si Tanquingcen ay nalipat sa Barangay Ginebra noong nakaraang season at naitalaga bilang head coach ng Gin Kings. Kumbaga’y parang rebuilding stage iyon ng pinakapopular na ballclub sa bansa. Bagamat hindi nakarating sa Finals ang Barangay Ginebra sa tatlong conferences ay maganda rin namang maituturing ang naging performance nito. Katunayan, sa ganda ng performance ng Barangay Ginebra, si Mark Caguioa ang siyang nahirang na Most Valuable Player ng nakaraang season.

Kaunting pagbabago na lang ang kailangan ng Gin Kings upang matapos ang rebuilding at maging title contenders.

Ipinamigay nila sina Niño Canaleta at John Wilson sa Air21 kapalit ni Elmer Espiritu. Kinuha ang mga Fil-Americans na sina Chris Ellis at Keith Jensen sa Draft. At pagkatapos ay ipinamigay si Enrico Villanueva sa Barako Bull para makuha si Tenorio buhat sa Alaska Milk sa isang four-team trade.

Wala na marahil na earth-shaking trades na lalahukan ang Gin Kings dahil sa matindi na ang kanilang line-up. Ang tanong diyan ay kung paano gagamitin ni Tanquingcen si Tenorio.

Sa pagkuha ng Barangay Ginebra kay Tenorio, ito ba ay kagustuhan ni Tanquingcen? O ng management.

O bilib na siguro si Tanquingcen kay Tenorio nga­yon. Hindi tulad noong una silang magkasama sa San Miguel Beer.

Ang maganda nito’y magkasama pa sina Tenorio at Cortez sa iisang bubong. Kumbaga’y ang dalawang ito ang siyang magpapalitan sa point guard positions para sa Ginebra. Napakatatag ng kanilang backcourt.

At paminsan-minsan na lang siguro magagamit si Jayjay Helterbrand kung ito’y kabilang pa sa line-up ng Gin Kings. Kumbaga’y parang spritual leader na lang ang role ni Helterbrand sa team.

Tingnan natin kung magbubunyi na ang Barangay sa season na darating.

by: AC Zaldivar

Source: Philstar.com

garrett_jax
garrett_jax
MVP
MVP

Male Posts : 9552
Location : Brgy. GINEBRA

Back to top Go down

Matindi ang Cortez-Tenorio tandem Empty Re: Matindi ang Cortez-Tenorio tandem

Post by weirdwitch Mon Sep 03, 2012 7:52 am

I'm happy we got Tenorio, but I'm also wishing to see other players playing... sana maging maganda na ang rotation ng players ng Ginebra...
weirdwitch
weirdwitch
First Five
First Five

Female Posts : 711
Location : Taguig City
Humor : "ayokong nasasanay sa mga bagay na pwede namang wala sa buhay ko"

Back to top Go down

Matindi ang Cortez-Tenorio tandem Empty Re: Matindi ang Cortez-Tenorio tandem

Post by NSD Loyalist Mon Sep 03, 2012 7:55 am

I didn't imagine Ginebra having 3 of the best point guards on their generation.
NSD Loyalist
NSD Loyalist
Admin
Admin

Male Posts : 2969
Humor : That's for me to know and for you to dot, dot, dot.

Back to top Go down

Matindi ang Cortez-Tenorio tandem Empty Re: Matindi ang Cortez-Tenorio tandem

Post by MR. FAST Mon Sep 03, 2012 9:47 am

Talagang sa BGSM na si LA? baka naman stop over lang yan..
MR. FAST
MR. FAST
Admin
Admin

Male Posts : 18119
Location : Ginebra Tambayan

Back to top Go down

Matindi ang Cortez-Tenorio tandem Empty Re: Matindi ang Cortez-Tenorio tandem

Post by skyscraper Mon Sep 03, 2012 10:07 am

Cortez and Tenorio tandem? Nakupo! Wag lang sana pairalin ang TRIANGLE OFFENSE Matindi ang Cortez-Tenorio tandem 2908833414

Pero, its really nice to have LA in our team!
skyscraper
skyscraper
Global Moderator
Global Moderator

Male Posts : 17217
Humor : #OustNoliEala

Back to top Go down

Matindi ang Cortez-Tenorio tandem Empty Re: Matindi ang Cortez-Tenorio tandem

Post by Sponsored content


Sponsored content


Back to top Go down

Back to top

- Similar topics

 
Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum