kakakabang Experyensa
+3
MR. FAST
garrett_jax
skyscraper
7 posters
Page 1 of 1
kakakabang Experyensa
Kakaba kaba
Umaga palang akoy kinakabahan na
Sapagkat ticket ko ay wala pa
Di malaman ang gagawin, paano ba paano ba
Ang kontak kong si Manny ay wala pa sa Araneta
Dumating ang alas dose, simula na ng aking byahe
Ng itong kaibigang kong si Manny ay nag abiso sa mensahe
Di pa nagbebenta ng UA SRO ang bungad nya
Sumakit ang aking ulo, ang dibdib koy puputok na
Bigla pang nagtext si Kuya Rhen,
“SKY, asan na kayo tatlo lang kami dito, kukunin na ng Petron ang upuan nyo”
Ang Puwet koy umikot, at di mapakali sa kinauupuan
Badtrip pa ako, sapagkat hapit ang bus na nasakyan ko..
Hinto dito, hinto doon.. nakakabwisit ang pagmumukha ni Manong..
Ayan na! nakapasok na sa Susana, ang sambit ko..
Sabay talilis ang takbo ng bus na sinasakyan ko
Pasalamat kayo at Skyway ang dinaanan nyo
At walang trapiko sa Ayala MRT kanto.
Kundi naku! Baka kung anung mura ang marinig nyo galeng sa bunganga ko (lols)
MRT na, text ditto text doon..
Kamusta ditto, kamusta doon
Anu na nga ba ang nangyari?
Me ticket na ba? O buwis buhay na naman..
Salamat na lamang, sakto pagdating doon
Nasa harap na ng Counter ang aking Kaibigan
Sabay ngisi ke Manny, lakad! Tara sa Green gate
Aming naabutan si Mamee Kaye
Nag aabang sa labas ng berdeng gate
Nilapitan at inalok ng mga kumag na scalper
Bute nalang at di nagpadala sa panic at kamiy inantay
Sa 301 ang aming pwesto, sapagkat uniform ng BGSM ay light
Pagdating palang e kagulo na kami, lalo na ng Makita ko an gating banner
Iwinagayway habang naglalaro ang Petron
Bute na lamang at lamang sila kundi akoy nahamon (haha)
Tapos na ang 1st game, hay salamat naman!
Tinawag na ang Ginebra, sabay lundak sa aking kinakaupuan
Ang laban nila ay parang seesaw
Lamang sila, lamang ang kalaban, bute na lamang di umarya ang Alaska
Sa ganda ng pinapakita ng team, bigla kong nawika
O Kuya Rhen, Di ako malas sabi ko na nga ba! (haha)
Sabay indak ng aking mga paa..
Bawat Freethrow ni Mark ay napapakanta
Kahit wala sa tono mabigkas ko lang ang pagbati sa kanya
“HAPPY BIRTHDAY TO YOU, HAPPY BIRTHDAY MARK!” ang aking sigaw
At akoy naantig, ng may nakita akong ngiti sa labi ni Idol
Dumating ang 4th quarter lumamang ang Alaska
Sa mga tirang tres ni casio at barracael akoy kinabahan
Bute na lamang at may dugong palaban
Ang team kong Ginebra ay di umatras sa laban..
Ang ganda ng depensa ni Chris Ellis sa maliit nila
Ni makadiskarte sa malapitan ay di nakatira
Ang ganda ng pasa ni Willie, Sabay tira ni Mark
Pag ka shoot kami ay talunan agad!
Lumakas ang kabog ng dibdib parang hihimatayin
Last shoot ni Mark ay nafoul ng kalaban
Ang dasal ng karamihan sana ay pumasok naman
Sapagkat may alat talaga ang FT sa simula pa lang
Bumuslo ang isa, at ang isa ay niluwa
Bute na lamang at maliksi si Big Mama
Ang bola ay hinabol at binato sa kalaban
Lumabas ang Bola, sa Ginebra na naman!
1.1 secs ang natitira sa orasan..
Di malaman kung san ipapasa sapagkat makulit ang kalaban
Nag time out ang Ginkings ako ay kinakabahan
Sana naman ay amin na ito upang kami ay magdiwang
Napasa kay Ellis ang Bola at naubos ang oras
Sabay Sigaw kami at nagbesohan..
Kitang kita sa camera ang aming kasiyahan
Kami ay di agad umalis at kumanta ng pagbati
Sa idol naming di kami binigo lagi..
Sa Alaska naman, malas nyo lang
Dinaya na ng referee ngunit walang nagawa
Tang nang ref Aquino yan! Ang daya (lols)
Pero sabi nga nila, di nagwawagi ang madaya
Ayan tuloy nakarma sila, at umuwing luhaan

Last edited by skyscraper on Mon Nov 19, 2012 3:41 pm; edited 1 time in total
skyscraper- Global Moderator
- Posts : 17217
Humor : #OustNoliEala
Re: kakakabang Experyensa
kala ko. green ledger ....................
nice 1 preng sky ................. :yaay:
nice 1 preng sky ................. :yaay:
garrett_jax- MVP
- Posts : 9552
Location : Brgy. GINEBRA
Re: kakakabang Experyensa
garrett_jax wrote:kala ko. green ledger ....................
nice 1 preng sky ................. :yaay:
malayo pa sa katotohanan pre ang pag gawa ko ng green ledger :masaya:
skyscraper- Global Moderator
- Posts : 17217
Humor : #OustNoliEala
Re: kakakabang Experyensa
^di pa maluwag ang tornilyo kaya di pa makakagawa nun
MR. FAST- Admin
- Posts : 18119
Location : Ginebra Tambayan
Re: kakakabang Experyensa
kayo pala yung nakita kong nagbeso beso nung sure na yung panalo natin,sayang hindi ganun kalinaw ang streaming hindi ko ganu naaninag ganu kagagawapo & kagaganda mga ka-kabs natin,hehe,,Congrats,,sarap manood ng live sa mga ganoong laban,,Apir APir!!
Last edited by dencio on Mon Nov 19, 2012 6:23 pm; edited 1 time in total
dencio- Rookie
- Posts : 252
Re: kakakabang Experyensa
dencio wrote:kayo pala yung nakita kong nagbeso beso nung sure na yung panalo natin,sayang hindi ganun kalinaw ang streaming hindi ko ganu naaninag ganu kagagawapo & kagaganda mga ka-kabs natin,hehe,,Congrats,,sarap manood ng live sa mga ganoong laban,,Apir APir!!
minsan, kapag may free time ka .......... sama kang manood ng live ..........
garrett_jax- MVP
- Posts : 9552
Location : Brgy. GINEBRA
Re: kakakabang Experyensa
sige,,sige,,paguwi ko sama kami ni misis manood ng live,,hehe..
dencio- Rookie
- Posts : 252
Re: kakakabang Experyensa
dencio wrote:sige,,sige,,paguwi ko sama kami ni misis manood ng live,,hehe..
kailan ba ang uwi?
garrett_jax- MVP
- Posts : 9552
Location : Brgy. GINEBRA
Re: kakakabang Experyensa
end of elimination ........... dec. 09
last game ....... vs. tnt ........ dec. 09
abot ka pa ........... :yaay:
last game ....... vs. tnt ........ dec. 09
abot ka pa ........... :yaay:
garrett_jax- MVP
- Posts : 9552
Location : Brgy. GINEBRA
Re: kakakabang Experyensa
oo nga magandang laban,,sana e umabot pa talaga,,hehe,,
dencio- Rookie
- Posts : 252
Re: kakakabang Experyensa
dencio wrote:oo nga magandang laban,,sana e umabot pa talaga,,hehe,,
oo nga kabs! Hoping to meet you soon
skyscraper- Global Moderator
- Posts : 17217
Humor : #OustNoliEala
Re: kakakabang Experyensa
Nice one kabs sky!!!
DMac- Global Moderator
- Posts : 2458
Location : Pasig City
Humor : Today is the Tomorrow of Yesterday
Re: kakakabang Experyensa
Thanks Kabs Dmac
skyscraper- Global Moderator
- Posts : 17217
Humor : #OustNoliEala
Re: kakakabang Experyensa
nakakakaba talaga yang game na yan! Akala mo talo na pero nanalo pa.. Astig bumabalik na ang dating Ginebra
Lovedorial28- Draftee
- Posts : 105
Re: kakakabang Experyensa
nakauwi naba si kabs dencio
betterhalf- Global Moderator
- Posts : 13764
Location : manila
Page 1 of 1
Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum
|
|