Alamin kung Bakit wala si Caguioa sa 2014 PBA All-Star

View previous topic View next topic Go down

Alamin kung Bakit wala si Caguioa sa 2014 PBA All-Star

Post by MR. FAST on Tue Apr 08, 2014 9:27 am

Alamin kung Bakit wala si Caguioa sa 2014 PBA All-Star




Ang pagkakawala ng pangalan ni Mark Caguioa sa listahan ng maglalaro sa 2014 PBA All-Star ay napakalaking pagkabigo para sa libo-libo nyang fans.

Sa dahilang ang All-Star Games ay isinasagawa bilang alay o regalo sa mga fans na sumusuporta sa PBA, sa teams, at sa mga individual players. Kaya binibigyan ng karapatan ang mga pinoy basketball fans na iboto ang kanilang mga idolong manlalaro.


Sa kabila ng napakadakilang pagkakataon para sa mga fans na iboto ang kanilang idolong player upang mulit muli nilang mamalas ang kanilang mga galing sa paglalaro ng basketball, mukha yatang nakaligtaan ng mga fans ni Caguioa na siya ay iboto.


Mistulang napatuon ang ang mga fans sa angking kakayahan ng mga bagitong Ginebra Players. Kaya sa halip na iboto si Caguioa sa iba na lamang napapunta ang boto nila.


Samantala, hindi naman ata tama na husgahan ang mga fans ni Caguioa sapagkat ligid naman sa kaalaman ng lahat isa talaga sya sa pinakasikat na basketball players sa bansa.



Minsan nga pag sinasabing PBA, ah Ginebra, pag sinasabing Ginebra, ah Caguioa or vice-versa. Ganyan kasikat si Mark “the Spark" Caguioa pati ang kanyang koponang Ginebra. Pero sa darating na 2014 PBA All-Star, anyare mga dre?


Sa totoo lang, maaring marami talagang bumoto kay Caguioa, kahit kalahati lang ng mga fans nyan ang bumoto tyak siya’y panalo. Matindi magmahal ang Ginebra Fans, kahit nga gumastos pa yan mula sa sariling bulsa gagawin nila, aba teka? Baka nakakalimutan nyo? Sino bang pumupuno ng Araneta at MOA? Di ba Ginebra? Pag Ginebra Caguioa, pag Caguioa Ginebra.


Eh anyare nga mga dre? Ito mga dre. Di ba ang lalaro sa All-Star ay pinagbobotohan? Baka maraming bumoto kay Mark “the Spark” kaya lamang baka nagkamali sila sa tamang pagbobotohan. Yung official na nagka cast ng votes para sa All-Star. Ikaw dre, binoto mo si Caguioa? Saan? Paano? Yan ang tanong…


Sa sobrang pagmamahal kay Caguioa ng mga fans ay gusto na nila agad makabawi dahil sa hindi nila nagawang isama siya sa All-Star Selection sa darating na April 3-6.


Kaya naman sa unofficial poll ng spin.ph kung sino ba ang nais nilang makasama sa pipiliin na top 40 Greatest PBA Players, agad agad nilang ikinampanya si Caguioa para sya ay makasama sa Top 40.



Nakakataba ng puso ang kanyang mga fans sapagkat kahit unofficial poll ay ipinaglalaban. Tandaan, baka pag labas ng result sa top 40 at hindi nakasama si MC47 ay malumbay na naman ang mga fans ng husto. Malamang, sapagkat ang poll na yaan ay unofficial lamang.


Ang pipili ng top 40 greatest pba players sa darating na ika 40 anibersaryo ng PBA, ay ang mga ilang elderly na matagal na sa PBA, kabilang na diyan ang mga naging commissioners. Kaya wala pong merito ang boto ng fans dito ha, unofficial nga po eh.


Pero wag malungkot ang mga taga suporta ni the Spark, sapagkat noong pumili ang PBA ng 25 Greatest Players, automatic na kasama ang mga nag MVP sa conference at dahil si Mark Caguioa ay minsan nang naging MPV noong 2011-2012. Kung automatic na makakasama ang mga naging MPV sa 40 Greatest players, maliwanag pa sa Ginebra San Miguel Kuatro Kantos na kasama na si Mark “the Spark” Caguioa.


Kaya kung bakit wala si the Spark sa 2014 PBA All-Star Selection, hindi naman ibig sabihin ay laos na sya sapapagkat noong nakaraang semis at finals, ang nag iisang MC47 na lang ang may never say die spirit, nganga na ang lahat, pati ang coaching staff.


Hindi din naman ibig sabihin na wala na siyang fans na boboto, sapagkat hindi laang sa loob ng Araneta o MOA nag lipana ang mga fans ni Caguioa. Maaring nagkamali lang sila ng binotohan or maari din naman na may iba pang dahilan. Kung alam mo man yun kaibigan, ikaw na ang magsabi…Ano nga ba talagang dahilan Kuya?


Source: Pinoy Basketball
avatar
MR. FAST
Admin
Admin

Male Posts : 18119
Location : Ginebra Tambayan

Back to top Go down

Re: Alamin kung Bakit wala si Caguioa sa 2014 PBA All-Star

Post by betterhalf on Tue Apr 08, 2014 12:29 pm

pro nkakainis parin un para sa akin dahil kaya pa nman maglaro ni MC. bakit ang konti ata ng boto nya.. bkit si jems marami parin boto. ibig sabhin ba nito hindi nagkakaisa ang barangay sa pag boto. di tulad ng sanmig
avatar
betterhalf
Global Moderator
Global Moderator

Male Posts : 13764
Location : manila

Back to top Go down

Re: Alamin kung Bakit wala si Caguioa sa 2014 PBA All-Star

Post by MR. FAST on Tue Apr 08, 2014 12:36 pm

^marami kaya ang nadismaya sa nilalaro nya? kahit ako nagulat wala si MC dahil 2 choices lang naman sa GUARD at 3 para sa SF/PF/C..

Eto nga ang binoto ko
JJ
MC
Ellis
Greg
Billy Mams

kung titignan mo sa guard na naka line up dun sa poll tanging sa ginebra  sila JJ & MC lang talaga yung angat na manlalaro sa Ginebra. anyare kaya?
avatar
MR. FAST
Admin
Admin

Male Posts : 18119
Location : Ginebra Tambayan

Back to top Go down

Re: Alamin kung Bakit wala si Caguioa sa 2014 PBA All-Star

Post by betterhalf on Tue Apr 08, 2014 12:45 pm

tingin ko rin un ang dahilan kaso hindi pdeng maging dahilan ang panget ng laro ng isang player. dumating kasi un sa isang player hindi nman araw araw pasko diba nga.. bakit sa ibang bansa pre si kobe injury na pro nsa first five parin sya sa all star.. si jems yap pre hindi nman maganda nilalaro nag champion lang sila pro hindi nman sya nagdala sa team.. pro bakit ang dami ng boto nya.

tingin ko dito may sumpa tlga kay MC pag all star laging may kontrobersya pag all star
avatar
betterhalf
Global Moderator
Global Moderator

Male Posts : 13764
Location : manila

Back to top Go down

Re: Alamin kung Bakit wala si Caguioa sa 2014 PBA All-Star

Post by garrett_jax on Tue Apr 08, 2014 2:41 pm

heehhee, sa akin ok lang kahit di mapasama si ido sa all star ...... sa dami bang pinagdaanang injuries at medyo nag kaka edad narin, baka kailangan muna nyang makapag pahinga ng kunti ..................
avatar
garrett_jax
MVP
MVP

Male Posts : 9552
Location : Brgy. GINEBRA

Back to top Go down

Re: Alamin kung Bakit wala si Caguioa sa 2014 PBA All-Star

Post by ampogi on Wed Apr 09, 2014 12:04 am

okay lang wala si mc sa all star; pero hindi dapat nawala; meron pa rin siyang charisma...at sasabog ang moa kung kasama siya sa lineup. do i smell something fishy? kasi hindi pwedeng konti lang ang bumoto sa kanya...ilan ba tayong ginebra fans, if i may ask? kayo ba hindi ninyo siya ibinoto?

ampogi
Bench Player
Bench Player

Male Posts : 405

Back to top Go down

Re: Alamin kung Bakit wala si Caguioa sa 2014 PBA All-Star

Post by Sponsored content


Sponsored content


Back to top Go down

View previous topic View next topic Back to top

- Similar topics

 
Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum