Para sa Brangay Ginebra San Miguel, ‪#‎ganado‬!

View previous topic View next topic Go down

Para sa Brangay Ginebra San Miguel, ‪#‎ganado‬!

Post by skyscraper on Thu Jan 23, 2014 1:24 pm

By @tepmags

22 January 2014
Para sa Brangay Ginebra San Miguel, ‪#‎ganado‬!

Hindi ko alam kung serendipity o sadyang malas lang talaga ako.

Ang second to the last livestream link na mega gumana para sa akin ay nung tinalo tayo ng Alaska sa finals.

At ang huli, ay yung kanina.

Ang sakit. As in. Super.

Alam mo yung feeling na sobrang helpless ka. Yung wala kang magawa. Helpless nga.

Yung feeling na gusto mong basagin yung screen ng tv o computer, tapos ilusot mo ang kamay mo at batukan ang player of your choice.

Yung feeling na gusto mo na i-off yung tv o i-close yung tab, pero hindi mo ginawa kasi deep inside you may katiting pa na hope, pero in the end inapakapkan lang.

Hindi ko maexplain yung game kanina.

"Ako ba ang nagkulang?" ang peg.

Malabo na ba ang paningin ko kaya medyo mabagal ang galaw ng depensa?

Mahina ba ang internet ko kaya medyo nganga tayo sa opensa?

Tamang livstream link ba ito?

Yung angas, puso, at tangkad na ibinandera natin nung eliminations - hindi ko maaninag.

Mukha silang pagod, nalilito, at ang pinaka favorite na rason ng ating mahal na koponan - "jelling process" pa ata sila.

And the saddest part of all of this? Disappointed ka. At ako rin syempre.

Yung tipong mapapatanong ka: "Hindi siguro flop yung pagtambak sa atin ng TNT."

Yung tipong mapapaisip ka: "Nanibago lang siguro yung mga kalaban nung eliminations."

Yung tipong mapapainternalize ka: "Ano pa bang orasyon ang dapat naming gawin para makalusot kami sa quarter finals?"

Para bang pinatikim lang tayo sa elims, tapos ganun din pala ang bagsak natin.

Bilang fan, may hinanakit ka. Malamang, fan ka diba?

Magrereklamo ka. Asan ba kami nagkulang?

Tama bang i-excite niyo kami sa mga lob city chuk chak chenes niyo tapos ngayon ganito?

Puro kayo tres! Taragis walang sumasalaksak!

Tapos syempre, sama na rin natin yung coaching staff.

Pambihira naman yung balasa ng players nitong coach natin oh!

Ano ba yan! Binabad masyado si

Walang game plan amputa!

At ang pinaka sa lahat ng pinaka - Tangina. Nakakabad trip ang Ginebra.

Alam mo, normal lang naman ang mainis o magalit dahil sa game kanina.

Naiintindihan ko kayong lahat. Kasi ako rin, napamura. Hahaha

Pero nung nakausap ko si mama ko kanina via Skype may narealize ako na dapat marealize mo rin (kung nabwisit na Ginebra fan ka)

1. "Ganun talaga ate, may talo, may panalo."

Ganun lang ka simple. Walang banderitas o confetti. We win some, we lose some. We can't have it all ang drama.

2. "Diba marami kayong panalo dati?"

Hindi porke't natalo tayo ng Alaska (+ABUEVA I KNOW RIGHT), eh end of the world na.

Wag sana natin kalimutan kung gaano tayo kayabang nung eliminations wahahaha yan kasi!

Pero seriously though, if you wit me during the good times, you better stick wit me thru da bad. Wag kayong Floyd Mayweather, sa ligaya lang fans.

3. "It's out of your control. Hindi naman ikaw ang may hawak ng bola."

So in short, wag tayong magfeeling player at coach. Minsan kasi masyado tayo eh. Masyadong ano hahaha

4. "Hindi ikaw ang tumatakbo sa loob ng court."

Nakaupo lang tayo. Sila ang nagpapawis. Let's put ourselves in their expensive and wowzers shoes

AT ANG PINAKA SA LAHAT NG PINAKA

5. "Wag mong ipagdasal na manalo ang Ginebra para matuwa ka, ipagdasal mo na makatulog ang mga players niyo ngayong gabi kasi sino ba naman ang gustong matalo?"

Sorry na, ma. Pero in fairness, tama naman.

Ipagdasal natin na makapagpahinga sila ng maayos para kapag natalo sila sa Sabado may K tayong magwala.

Joke. But jokes are half meant.

Pero seryosong usapan, hindi naman ata nila ginusto matalo, kasi alam nila madaming bungangerang fans like moi, kaya dapat wag tayo masyadong harsh.

Let's look at the sunnier side of things.

Hindi pa tayo eliminated.

We still have one chance.

And most importantly, we're at a spot we know so well - do or die.

Kaya lahat ng sama ng loob mo - ipasimmer mo muna yan sa depths of your soul.

Yung mga mura mo para kay Player A o Player B o sa buong team - ikimkim mo muna yan sa kaloob looban mo.

Yung mga harshness mo - ikahon mo muna at isantabi.

For now, ilabas ang rosary at mag novena.

Palabhan ang banner para mabango for Saturday.

At inconserve ang voices para makasigaw ka sa most important game of 2014.

Kasi sa Sabado nakasalalay ang dream nating lahat.

Kaya mga ate't kuya, hawak kamay tayong lahat and let's hope and pray for an outcome that we would want.

And most importantly, this is the time we should show and shower Ginebra our mega to the highest level support because it's the time they need it most.

PS: Sa mga pupuntang practice, magdala ng tsinelas at walis tambo panakot sa mga players. Thank u

tepmags
avatar
skyscraper
Global Moderator
Global Moderator

Male Posts : 17217
Humor : #OustNoliEala

Back to top Go down

Re: Para sa Brangay Ginebra San Miguel, ‪#‎ganado‬!

Post by betterhalf on Thu Jan 23, 2014 2:25 pm

pag natalo sila sayang ung hirap..
avatar
betterhalf
Global Moderator
Global Moderator

Male Posts : 13764
Location : manila

Back to top Go down

Re: Para sa Brangay Ginebra San Miguel, ‪#‎ganado‬!

Post by garrett_jax on Thu Jan 23, 2014 2:32 pm

ibig sabihin nyan, weak ang coaching staff ............ heheheh
avatar
garrett_jax
MVP
MVP

Male Posts : 9552
Location : Brgy. GINEBRA

Back to top Go down

Re: Para sa Brangay Ginebra San Miguel, ‪#‎ganado‬!

Post by betterhalf on Thu Jan 23, 2014 2:34 pm

kulang si coach ato sa pag momotivate. di tulad ni coach al ngagalit tlga pag hindi maganda pinapakita ng team
avatar
betterhalf
Global Moderator
Global Moderator

Male Posts : 13764
Location : manila

Back to top Go down

Re: Para sa Brangay Ginebra San Miguel, ‪#‎ganado‬!

Post by MR. FAST on Thu Jan 23, 2014 2:35 pm

Sana wag silang masilat, hindi pa ba sila nagsasawa na laging kangkungan sila?

Dami na nilang kabiguan at sana wag na nilang dagdagan pa..

Play as a TEAM! goodluck!
avatar
MR. FAST
Admin
Admin

Male Posts : 18119
Location : Ginebra Tambayan

Back to top Go down

Re: Para sa Brangay Ginebra San Miguel, ‪#‎ganado‬!

Post by raqui2101 on Thu Jan 23, 2014 4:02 pm

nga nga tayong mga fans pag natalo sila sa sabado... sayang effort ng team pag maagang mai-iliminate kaagad.... team effort ang kailangan wag umasa sa dalawa or tatlong player lang... sa mga coach nman sana gwin nila assignment nila magkaroon ng play di lang one-on-one play lang lagi... GODluck sa SABADO....
avatar
raqui2101
First Five
First Five

Male Posts : 580

Back to top Go down

Re: Para sa Brangay Ginebra San Miguel, ‪#‎ganado‬!

Post by wnc19 on Fri Jan 24, 2014 12:03 pm

maki elam ka na coach Al, pinagalitan na kayo e, hahayaan nyo lang ba na masayang itong pagkakataon na 'to? Gising-gising barangay!
avatar
wnc19
Bench Player
Bench Player

Male Posts : 333
Location : Valenzuela City
Humor : SVS or nothing =D

Back to top Go down

Re: Para sa Brangay Ginebra San Miguel, ‪#‎ganado‬!

Post by Sponsored content


Sponsored content


Back to top Go down

View previous topic View next topic Back to top

- Similar topics

 
Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum