Jong kumalas na sa Ginebra

View previous topic View next topic Go down

Jong kumalas na sa Ginebra

Post by Ginebra Tambayan on Thu Jan 12, 2012 10:29 am

Jong kumalas na sa Ginebra

Ni Angeline Tan (Pilipino Star Ngayon) Updated January 12, 2012



MANILA, Philippines - Wala na sa Barangay Gi­nebra ang kanilang coach na si Joseph “Jong” Uichico.

Si Uichico ay pinahintu­lutan na ng Barangay Ginebra na mapabilang bilang isa sa mga coaches ng men’s basketball team na magbabaka-sakaling masama sa world basketball.

May dalawang titulo na naibigay si Uichico sa Ba­rangay Ginebra bukod pa sa anim sa San Miguel Beer sa halos 10 taong pa­ninilbihan sa dalawang koponan.

Hindi naman bago na para sa beteranong men­tor na dating naglaro rin sa national team sa pa­ma­magitan ng Northern Cement, ang pagtulong sa national team dahil noong 2002 ay siya ang umupong head coach sa koponang tumapos sa pang-apat na puwesto sa Busan Asian Games.

Matapos manilbihan sa Northern Cement sa ilalim ni coach Ron Jacobs, lumipat siya sa San Miguel noong 1999 para maging head coach at nagkampeon agad sa Commissioners at Go­vernors Cup para wakasan ang limang taong kawalan ng titulo.

Bago binitiwan, si Uichi­co at Siot Tanquincen ang nagtulong sa Barangay Gi­nebra sa huling confe­rence.

Naghahanap ng mga pool of coaches para sa men’s team na kilala rin bilang Smart Gilas Pilipinas dahil tinanggal na si Serbian coach Rajko Toroman matapos mabigo sa adhikain na maipasok ang Pilipinas sa 2012 London Olympics.

Ang dating national coach na si Chot Reyes bukod pa kina Norman Black at Tim Cone ang ibang pa­ngalan na sinisilip para humawak sa Gilas.



Source: Philstar



Ginebra Tambayan
News Maker
News Maker

Male Posts : 1095

Back to top Go down

GOOD LUCK!

Post by IPerSeus on Thu Jan 12, 2012 2:59 pm

Now that Coach Jong is not around may coach siot can decide 1 way or focus on the system he wants to build for the BGK.... for the return of Alex, Rudy and addition of Holfer and Maliksi with long vacation may be they can gel, hope they now have good start up-to the tittle. GUD LOCK

IPerSeus
New comer
New comer

Male Posts : 50
Location : Quezon City

Back to top Go down

Re: Jong kumalas na sa Ginebra

Post by skyscraper on Thu Jan 12, 2012 3:01 pm

Good luck to him and God bless

skyscraper
Global Moderator
Global Moderator

Male Posts : 17217
Humor : #OustNoliEala

Back to top Go down

Re: Jong kumalas na sa Ginebra

Post by MR. FAST on Thu Jan 12, 2012 3:01 pm

onec18 wrote:Now that Coach Jong is not around may coach siot can decide 1 way or focus on the system he wants to build for the BGK.... for the return of Alex, Rudy and addition of Hofer and Maliksi with long vacation may be they can gel, hope they now have good start up-to the tittle. GUD LOCK


ngayon masusubukan ang galing ni coach siot dahil wala na shang katambal.. Goodluck coach jong and coach siot!

MR. FAST
Admin
Admin

Male Posts : 18119
Location : Ginebra Tambayan

Back to top Go down

Re: Jong kumalas na sa Ginebra

Post by skyscraper on Thu Jan 12, 2012 3:08 pm

MR. FAST wrote:Goodluck coach siot!

di ba pudeng goodluck Ginebra nalang? mas Einstein to kesa kay Jong e

skyscraper
Global Moderator
Global Moderator

Male Posts : 17217
Humor : #OustNoliEala

Back to top Go down

Re: Jong kumalas na sa Ginebra

Post by MR. FAST on Thu Jan 12, 2012 3:09 pm

^ok lang yun! naniniwala pa dn ako sa koponan ko!

MR. FAST
Admin
Admin

Male Posts : 18119
Location : Ginebra Tambayan

Back to top Go down

Re: Jong kumalas na sa Ginebra

Post by skyscraper on Thu Jan 12, 2012 3:12 pm

MR. FAST wrote:^ok lang yun! naniniwala pa dn ako sa koponan ko!

sana nga maka pagdecide na ng maayos ngayon si coach siot lalo na sa rotation. At saka sana bumalik tiwala nya kina MC at ibalik sila sa 1st five at wag masyado magrely sa mga Sophies

skyscraper
Global Moderator
Global Moderator

Male Posts : 17217
Humor : #OustNoliEala

Back to top Go down

Re: Jong kumalas na sa Ginebra

Post by MR. FAST on Thu Jan 12, 2012 3:20 pm

dyan masusubukan kung magaling talaga si coach siot

MR. FAST
Admin
Admin

Male Posts : 18119
Location : Ginebra Tambayan

Back to top Go down

Re: Jong kumalas na sa Ginebra

Post by skyscraper on Thu Jan 12, 2012 3:41 pm

MR. FAST wrote:dyan masusubukan kung magaling talaga si coach siot

sana may gumabay pa rin sa kanya. At saka sana malessen ang tampuhan nila nina MC

skyscraper
Global Moderator
Global Moderator

Male Posts : 17217
Humor : #OustNoliEala

Back to top Go down

Re: Jong kumalas na sa Ginebra

Post by Sponsored content Today at 2:37 pm


Sponsored content


Back to top Go down

View previous topic View next topic Back to top

- Similar topics

 
Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum