Napakasakit maging Ginebra Fan

View previous topic View next topic Go down

Napakasakit maging Ginebra Fan

Post by skyscraper on Tue Jul 16, 2013 11:37 am

Napakasakit maging Ginebra Fan


Minsan naiisip ko baket nga ba ako naging Ginebra Fan?
Dahil ba sa simula bata palang ay Anejo/Ginebra na ang sinusuportahan ng Pamilya ko?
Di naman nagpapanalo lagi pa nga silang kulelat sa standings pero baket patuloy akong kumakapit
Baket parang okey lang saken kahit ang sakit sakit na makikita mo ang team mo na talunan.
Taong 90’s ako ay nilakasan ng loob ng dumating  sabay sabay sina Aquino, David at Hizon sinabayan pa nina Locsin, Garencio at Gayoso sabi ko TITLE CONTENDER na ito! Unang laro palang nakita mo na ang PUSO sa bawat manlalaro, may pagkakataon pa na muntikan na akong sumalat noon sa PBA (which is USO) para mameet ang idol kong si Marlou, makahingi ng jersey at autograph. Ang sarap sarap ng feeling nung nakuha nila ang kampeonato! Ang sarap sa feeling! Nakuha ko pang tumakbo sa buong corrider ng school namen dahil natalo nila ang Alaska sa wakas! Ngunit parang gumuho ang aking mundo ng tumakbo si Tatang Jawo sa senado at pinagtetrade ang mga idolo ko. Ang sakit! Sobrang sakit! Halos isumpa ko nuon ang Ginebra! Nag lielow ako sa panonood ng PBA dahil sa sakit na iyon, ngunit di sumaglit sa aking isip na magpalit o lumipat nalang ng ibang team. Ilang taon ang lumipas, dumating ang FILAM Player na may kulay ang buhok. Aminado ako, tinawag ko pa sya nuong Bisaya kasi mukha naman talaga (Honest Lang) Pero di pa rin ako nanood ng PBA kasi me nararamdaman parin akong sakit. Hangang sa taong 2005 ako ay nagbalik loob, tinanggap ko ng wala na ang mga idolo ko ngunit ang Ginebra Team ay anjan pa rin. Kaya simula noon nagpromise ako sa sarili ko na wala na akong iidolohing Ginebra Player, magfufull support nalang ako sa aking pinakamamahal na Team. Ang daming player na nawala, dumating okey lang saken. Ngunit eto na naman, taong 2013 bumabalik na naman ang sakit na naramdaman ko nung 90’s nararamdaman ko na naman na binabaliwala ng management ang pagiging Ginebra fan ko, kung kelan nagkakaroon na naman ako ng PAG ASA na makakamit ng Ginebra ang kampeonato.

Baket ganito, baket patuloy akong sinasaktan ng Ginebra ngunit di ko ito maiwan. Nakakaiyak, nakakaduwal, nakakasawa na ngunit di ko mabitawan ang pagiging Ginebra fan. Para akong adek na di mabubuhay pag di sinuportahan ang mahal kong koponan. Sana man lang maisip ng Management ang mga kagaya kong fan na patuloy an sumusuporta at nagmamahal sa Ginebra, pahalagahan nyo naman kami kahit minsan. Mahalin nyo naman kami kahit paano. Dahil kagaya sa isang relasyon, pag kami nagsawa wala ng suporta ang makukuha ninyo.

Source: skysrapersworld

skyscraper
Global Moderator
Global Moderator

Male Posts : 17217
Humor : #OustNoliEala

Back to top Go down

Re: Napakasakit maging Ginebra Fan

Post by skyscraper on Tue Jul 16, 2013 1:01 pm

kabs Eazy, nabasa mo na itey hehehe

skyscraper
Global Moderator
Global Moderator

Male Posts : 17217
Humor : #OustNoliEala

Back to top Go down

Re: Napakasakit maging Ginebra Fan

Post by ampogi on Tue Jul 16, 2013 2:03 pm

relax lang kabs, we all have the same sentiments, nagsimula ang diliryo sa team natin ng mawala sa PBA si Eala bilang commissioner, tapos napunta sa SMC, ayung nagka watak watak na ang takbo, hanggang ngayon, kung kelan ang ganda ng simula ni Coach Al, biglang nagkaganyan....ambot sa ila...

ampogi
Bench Player
Bench Player

Male Posts : 405

Back to top Go down

Re: Napakasakit maging Ginebra Fan

Post by skyscraper on Tue Jul 16, 2013 2:11 pm

ampogi wrote:relax lang kabs, we all have the same sentiments, nagsimula ang diliryo sa team natin ng mawala sa PBA si Eala bilang commissioner, tapos napunta sa SMC, ayung nagka watak watak na ang takbo, hanggang ngayon, kung kelan ang ganda ng simula ni Coach Al, biglang nagkaganyan....ambot sa ila...

baket pa kasi kinuha yan ng SMC.. Tinapon na ng ni MVP eh.. hayst

skyscraper
Global Moderator
Global Moderator

Male Posts : 17217
Humor : #OustNoliEala

Back to top Go down

Re: Napakasakit maging Ginebra Fan

Post by Sponsored content


Sponsored content


Back to top Go down

View previous topic View next topic Back to top


 
Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum