Top posting users this week
garrett_jax
 

Facebook
Affiliates
    
September 2014
MonTueWedThuFriSatSun
1234567
891011121314
15161718192021
22232425262728
2930     

Calendar Calendar


Dear Ex ni Janine Tugonon,

Page 1 of 2 1, 2  Next

View previous topic View next topic Go down

Dear Ex ni Janine Tugonon,

Post by skyscraper on Thu Apr 18, 2013 4:04 pm

Dear Ex ni Janine Tugonon,



Kamusta? Pare, nakikiramay ako kasi narinig ko sa balita na naghiwalay kayo ni Janine. Sayang, alam ko sa ngayon, masama pa rin siguro ang loob mo sa nangyari. Pero pards, may dadating din na mas maganda sa kaniya. Kung di man mas maganda, at least mas mabait sa kaniya. Pero mas okay pa rin sana kung mas maganda.

Noong naging 1st Runner up si Janine sa Ms. Universe, marami sa kaibigan kong lalaki ang naging crush siya, kasi syempre maganda na, matalino pa si Janine. May iba naman akong mga kaibigan na gusto maging katulad si Janine. Pero alam nila, kahit kailan hindi mangyayari iyon kasi mga lalaki din sila.

Noong ipinakilala sa buong mundo na ikaw ang boyfriend ng naging runner up sa Ms. Universe, aaminin ko, ang una kong naisip agad, akala ko, nag-hang ang telebisyon ko. Kasi nung nagintroduce na si Kuya Boy kung sino yung boyfriend ng naging 1st runner up, gumalaw pakaliwa yung camera at akala ko yung katabi mo yung boyfriend, e tumigil sa iyo ang camera, naisip ko, “ay, nag hang.”

Pero ikaw pala talaga iyon. Na-realize ko yun nung nakita kong ikaw lang mag-isa ang nakaupo sa upuan. Bigla akong natuwa, bigla akong nainspire. Kasi aaminin ko, katulad mo, hindi naman tayo ganun kagwapuhan. Buong buhay ko ‘tol, depressed ako. Kasi nga, alam kong hindi ako uubra sa mga kasing ganda ng mga beauty queen kasi nga di ako kagwapuhan. Pero nung pinakilala ka sa buong mundo, nabuhayan ako ng loob. Pards, naging inspirasyon kita kasi sa’yo, posibleng umibig ang isang diyosa ng kagandahan. Simula noon ay umasa na rin ako na posible din yun sa akin.

Klaruhin ko lang pare ha. Hindi kita iniinsulto at hindi kita minamaliit. Kasi nga, inaamin ko na katulad mo, may kaguwapuhan din ako na di ko inakala. Pero hanggang akala ko pa lang din yun hanggang ngayon.

Bumilib din ako kay Janine. Napakaganda niya pero ikaw pa rin ang inibig niya. Siguro sobrang bait mong tao. O kaya, sobrang talino. Sobrang yaman siguro? O madasalin ka lang na tao? Pero sigurado ako, na katulad ko, hindi iyong isa pang criterion for judging yung ginamit ni Janine sa pagpili sa iyo.

Tinaas mo ang bandera ng ating mga ka-tribo, pards. Sobrang salamat. Masaya na din kami kasi may isa kaming ka-tribo ang naging matagumpay. Puwede na tayong magka-partylist: Lucky Me! Partylist.

Pero nung isang araw, narinig ko ang isang napakasamang balita: Naghiwalay na daw kayo ni Janine. Naghiwalay daw kayo dahil sa 3rd party. Sa lahat ng party, yan ang party na di masaya. Yan ang party na walang invitation. Yan ang party na meron nag ge-gatecrash.

At ang gate crasher sa mala-cinderella mong storya? Ang lead singer daw ng “The Script.” Aaminin ko, mukhang lamang sa atin ang kolokoy na iyon. Kasi sa Facebook ko, madami din akong friends na nababaliw sa kaniya. Parang Justin Bieber na pinatanda. At katulad ni Justin Bieber, naka-ahit din ang kilay ng lalaking iyon. May foundation pa yan, pusta tayo?

Hindi iyan ang marka ng totoong lalaki. Pare, ang totoong lalaki katulad natin, may respeto. Ang totoong lalaki, kahit anong sabihin, hindi umeepal sa kapwa lalaki, kahit alam niyang mas lamang siya dito. Dahil sa dulo, ayaw din nating may umepal sa atin. That’s the bro code, y’all. Ang totoong lalaki, sa init ng araw, hindi gumagamit ng payong. Sunblock lang ang ginagamit natin. Yung SPF 40.

Pa-simple pa itong bokalista ng “The Script.” Tinanong kung may Twitter si Janine, noong sinabing meron, sabi niya, “Follow me, and I’ll follow you back.” Script mo bulok.

Pero ayun na nga ang nangyari. Naghiwalay kayo dahil doon. Ang bilis nang pangyayari. Ganyan talaga pag mas guwapo o mas maganda ang 3rd party, mas bumibilis ang pangyayari.

Noong ininterview kayo ni Ate Krissy noong isang araw, kilig na kilig pa si Janine habang kinikwento nya yung encounter nya kay script boy. Parang sure na sure na talaga siya ha na si Mr. Script ang future nya. Pero ang masakit dyan pare ko, katabi ka niya sa interview habang nag aala-kolehiyala ang ex mo in front of national TV. Hindi lang siya kinikilig. nanginginig na nga. Akala ko, kinumbulsyon na si Janine sa sobrang kilig. In front of Narional TV, pinagmukha ka niyang juice. Sumakit ang dibdib ko para sa iyo habang nakaupo kang pinagmumukha kang juice sa harap ng milyones na nanonood. Kung ako sa iyo, sana nagwala ka bigla at sinambunutan mo na yung ex mo habang sumisigaw ng: “YOU DON’T DO THAT TO ME!!! YOU DON’T DO THAT TO ME!!!” Hashtag.

Alam ko masama ang loob mo ngayon, at kahit anong sabihin ko, hindi ito magpapagaan ng loob mo. Ganiyan siguro ang buhay. Ang lakas nating sabihin na “hindi importante ang itsura.” Siguro nga. Pero kapag may dumating sa buhay natin ang taong merong itsura, nakakalimutan natin agad ang mga katagang iyon.

At bakit ganun, kung may magsyota na mas maganda (o mas guwapo) yung isa, utang na loob agad nung kabila kung bakit sila naging mag-on? So dapat, yung hindi kaguwapuhan (o kagandahan) na partner ay magiging alila o sunud-sunuran na lang sa mas guwapo (o maganda) na kabiyak? At kung masaktan at sabihin mo ang totoo mong nararamdaman sa partner mo dahil nasasaktan ka, ikaw pa ang makapal ang mukha?

Sana inintindi ka na lang niya. Na minsan, na-iinsecure tayo sa puntong napaparanoid na tayo. Hindi dahil masama tayong tao, ayaw lang natin sila mawala sa buhay natin. Pero nasasakal na daw sila sa atin. Sabi nila, nakakasakal na daw tayo sa relasyon, pero di nila inisip, yakap lang iyon na napahigpit ng di sadya ng isang taong desperado na ayaw niyang mawala ang pinakamamahal niyang sa mundong ito.

Pare, hindi ka nag-iisa. Kuha na lang tayo ng gitara at tambay na lang tayo sa tindahan ni Aling Nena.

Source: ajperez

skyscraper
Global Moderator
Global Moderator

Male Posts: 17217
Humor: #OustNoliEala

Back to top Go down

Re: Dear Ex ni Janine Tugonon,

Post by betterhalf on Thu Apr 18, 2013 4:11 pm

mahirap tlga makipag relasyon sa isan sikat na tao un lang

betterhalf
Global Moderator
Global Moderator

Male Posts: 13764
Location: manila

Back to top Go down

Re: Dear Ex ni Janine Tugonon,

Post by MR. FAST on Thu Apr 18, 2013 4:14 pm

^agree! based on my experience sobrang hirap

MR. FAST
Admin
Admin

Male Posts: 18119
Location: Ginebra Tambayan

Back to top Go down

Re: Dear Ex ni Janine Tugonon,

Post by betterhalf on Thu Apr 18, 2013 4:17 pm

talagang based on your experience yan pre

betterhalf
Global Moderator
Global Moderator

Male Posts: 13764
Location: manila

Back to top Go down

Re: Dear Ex ni Janine Tugonon,

Post by MR. FAST on Thu Apr 18, 2013 4:19 pm

^sa panaginip lang pre shempre

MR. FAST
Admin
Admin

Male Posts: 18119
Location: Ginebra Tambayan

Back to top Go down

Re: Dear Ex ni Janine Tugonon,

Post by neljimz on Thu Apr 18, 2013 4:20 pm

napakasakit kuya eddie!!!

neljimz
First Five
First Five

Male Posts: 616

Back to top Go down

Re: Dear Ex ni Janine Tugonon,

Post by betterhalf on Thu Apr 18, 2013 4:25 pm

ako nga pre kahit sa panaginip wlang pangyayari ganyan

betterhalf
Global Moderator
Global Moderator

Male Posts: 13764
Location: manila

Back to top Go down

Re: Dear Ex ni Janine Tugonon,

Post by garrett_jax on Thu Apr 18, 2013 4:36 pm

ganyan talaga ang pag ibig ......... parang sugal, may panalo may talo kaya't kailangan ng utak .............

garrett_jax
MVP
MVP

Male Posts: 9545
Location: Brgy. GINEBRA

Back to top Go down

Re: Dear Ex ni Janine Tugonon,

Post by raqui2101 on Thu Apr 18, 2013 4:45 pm

wow ang sakit... naging sikat lang sakit naman sa puso ang iniwan...

raqui2101
First Five
First Five

Male Posts: 577

Back to top Go down

Re: Dear Ex ni Janine Tugonon,

Post by betterhalf on Thu Apr 18, 2013 5:03 pm

minsan kasi meron na tayo tapos naghahanap pa tayo ng iba.makita lang naten na mas maganda o gwapo kesa dun sa bf/gf naten papatulan na rin naten..



ung iba nman nagkakagusto kasi dala ng init ng katawan

betterhalf
Global Moderator
Global Moderator

Male Posts: 13764
Location: manila

Back to top Go down

Re: Dear Ex ni Janine Tugonon,

Post by skyscraper on Thu Apr 18, 2013 5:06 pm

ganyan talaga ang buhay.. Mejo nagiging popular na kasi si janine.. Alam nyo naman sa showbiz, kunwari wala ng GF/BF para mas marami ang sumubaybay sa kanya..

skyscraper
Global Moderator
Global Moderator

Male Posts: 17217
Humor: #OustNoliEala

Back to top Go down

Re: Dear Ex ni Janine Tugonon,

Post by jianaustin on Thu Apr 18, 2013 5:07 pm

i feel bad for the guy pero okay na yan ngayon atleast bf/gf pa lang kesa naman may asawa at anak na saka ka palitan...

jianaustin
First Five
First Five

Female Posts: 749

Back to top Go down

Re: Dear Ex ni Janine Tugonon,

Post by ruxs_14 on Thu Apr 18, 2013 7:56 pm

wag ka magalala mas makakahanap ka pa ng iba dyan na mas ok, mas maganda at lalong mas hindi ka iiwan... yun nga lang dahil sa kasikatan nagbago ang taong minamahal mo... pero eto tatandaan mo sabi mo dumami ang may crush nun naging 1st runner up ang girlfriend mo ibig sabihin nun gumanda sya dahil sa achievement nya, at isipin mo na lang gumanda at sumikat sya dahil sa make up pero wag ka mang hihinayang na mawala sayo ang ganito babae.... kasi hindi kaw ang nawalan, sya ang mas nawalan, nawalan ng totoong boyfriend na kahit kelanman hindi lolokohin at iiwan ang taong mahal nya...

ruxs_14
Global Moderator
Global Moderator

Male Posts: 2739

Back to top Go down

Re: Dear Ex ni Janine Tugonon,

Post by nolzky83 on Thu Apr 18, 2013 8:27 pm

talandi pala tong babae na to eh hindi mapagkakatiwalaan

nolzky83
Mythical 5
Mythical 5

Male Posts: 1182
Location: cavite

Back to top Go down

Re: Dear Ex ni Janine Tugonon,

Post by betterhalf on Fri Apr 19, 2013 4:26 pm

everything happens for a reaso.. pwera lang yan sa mga nambabae kasi karma na kapalit nun

betterhalf
Global Moderator
Global Moderator

Male Posts: 13764
Location: manila

Back to top Go down

Page 1 of 2 1, 2  Next

View previous topic View next topic Back to top

- Similar topics

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum