0-3 lang 'yan #Ginebra4Life

Go down

0-3 lang 'yan #Ginebra4Life

Post by geraldasakura on Wed Feb 20, 2013 8:21 pm

0-3 lang 'yan #Ginebra4Life



Gusto ko mag-coffee with Michael Jordan.

Gusto ko mag-shark cage diving sa Cape Town.

Gusto ko mag-champion ang Lakers.

Pero gaya nga ng sabi nila, you can't have it all.

So I'll settle for an americano with the G.O.A.T.

O kaya unang panalo na lang muna ngayong conference para sa Ginebra.

Medyo ine-excite kasi tayo ng Ginebra recently eh.

February 10, 2013.

Woohoo! #GinebraDay

0-1.

Me to self: "Kalma lang, first game pa lang naman."

February 15, 2013.

Woohoo! #GlobalPortLangYan

0-2.

Me to self: "Chiiiiiiiiiill. Bilog ang bola."

February 17, 2013.

Woohoo! #BibigayDawNgPetronAngLabanDAW

0-3.

Me to Twitter: "0-3 lang 'yan. #Ginebra4Life"

Me to self: ".................................................... nganga"

Alam ko mahirap maging positive kapag hindi nananalo ang favourite team mo.

Na mas mahirap maging positive kapag hindi nananalo ang favourite team mo against teams they usually beat.

At mas pinaka mahirap maging positive kapag hindi nananalo ang favourite team mo against teams they usually beat -- at the start of a short conference at that pa.

Pero sino ba may sabing dapat maging positive ka?

Okay lang naman na hindi maging positive. Tao ka lang naman.

I think entitled naman tayo mag-mukmok sa isang tabi hangga't di pa nananalo ang Ginebra. O kung ano mang coping mechanism ang uso nowadays.

Kung gusto mo makipagsuntukan sa kanto, goooooo. Basta ihanda mo ang sarili mo sa chance na mabugbog, maospital, o makulong ka.

Kung feel mo naman maging Miss Sunshine, why not choknat. Basta ihanda mo ang sarili mo sa mga taong negang nega ang outlook sa buhay.

Kung trip mo magpaka-heartbroken at depressed, gora teh! Basta ihanda mo ang sarili mo sa unnecessary stress na mararansan mo.

But keep in mind that whether magpakanega ka o magpaka-positive ka man, life goes on.

Life will go on. Hindi titigil ang pag-ikot ng solar system para sa'yo 'dong.

I'm not saying na wag kang magluksa sa 3 consecutive losses ng Ginebra. Napakasama ko naman kung ganun.

Umiyak ka. Sumigaw ka. Magmura ka.

Awayin mo yung coach. (Dyan tayo magaling eh hehe)

Awayin mo yung player. (Hindi na 'never say die', kung si Jawo lang nandyan.. kaso hindi eh)

Awayin mo yung commentator. (hahahahahaha............ -_-)

Isumpa mo ang kalaban. (tangina kasi si ano at si ano aysos)

Isumpa mo ang referee. (Eh kasi naman madaya, may pinapaboran)

Isumpa mo ang pangit na reception ng TV5. (staaaaaaatic ampota)

Kung yan ang gusto mong gawin, go lang! No one will stop you. (unless maguilty ka sa mga pinag-gagagawa mo lol)

Lahat naman tayo napagdaanan, pinagdadaanan, o pagdadaan ang mga phases na 'yan. Wag ka magdeny.

At okay na okay lang. As in, promise.

Naiintindihan ko yung mga sentiments mo, fan din ako diba?

Okay lang ang magalit at mainis at maiyak. Pero 'wag mo naman gawing career.

Kung di mo na kayang suportahan ang Ginebra, lipat ka ng ibang team. (Hindi ka kawalan bwahahaha)

Kung kaya mo pa, congrats. Sama-sama tayo ha? Cross you heart, hope you die.

Kasi at the end of a ball game - may panalo, may talo. (o kaya nadaya...........)

Ganun lang talaga. Ganun lang kasimple.

Wag mo masyadong seryosohin. (Unless na lang nakipagpustahan ka, patay tayo dyan)

I-enjoy mo lang ang journey kahit na malubak ang daan. Bakit?

Kasi ika nga ni Melody Beattie, "Sometimes, we don't get what we want... But this is a benevolent universe. And once in a while, we do." (Ginoggle ko lang 'yan hahahaha).

Aminin mo man o hindi, sa puntong 'to, 2 lang ang hinihiling natin sa mundo..

1. Manalo ang Ginebra at umangat tayo sa team standings

2. Matalo ang ibang teams at sasamahan nila tayo sa baba

#GoGinebra

* Dedicated 'to kay idol Gerald Sakura. Gawan mo naman ako ng malupit na fan art. Hahaha

@Tepmags

Source: Tepmags.Blogspot
avatar
geraldasakura
Admin
Admin

Male Posts : 4115
Humor : I'm only responsible for what I say not for what you understand

http://ginebratambayan.hooxs.com

Back to top Go down

Re: 0-3 lang 'yan #Ginebra4Life

Post by skyscraper on Thu Feb 21, 2013 10:35 am

nice one tita tep :)

avatar
skyscraper
Global Moderator
Global Moderator

Male Posts : 17217
Humor : #OustNoliEala

Back to top Go down

Re: 0-3 lang 'yan #Ginebra4Life

Post by MR. FAST on Mon Feb 25, 2013 1:53 pm

PAKI edit na po yung title 0-4 na po
avatar
MR. FAST
Admin
Admin

Male Posts : 18119
Location : Ginebra Tambayan

Back to top Go down

Re: 0-3 lang 'yan #Ginebra4Life

Post by MR. FAST on Wed Feb 27, 2013 11:37 am

di pa din naeedit? 0-4 na
avatar
MR. FAST
Admin
Admin

Male Posts : 18119
Location : Ginebra Tambayan

Back to top Go down

Re: 0-3 lang 'yan #Ginebra4Life

Post by a_perater@yahoo.com on Wed Feb 27, 2013 12:07 pm

di kailangan ie4dit kasi mamaya 1-4 na hehehehe positive lang dahil GINEBRA tyo for LIFE

a_perater@yahoo.com
Rookie
Rookie

Male Posts : 220

Back to top Go down

Re: 0-3 lang 'yan #Ginebra4Life

Post by MR. FAST on Wed Feb 27, 2013 12:20 pm

a_perater@yahoo.com wrote:di kailangan ie4dit kasi mamaya 1-4 na hehehehe positive lang dahil GINEBRA tyo for LIFE

sana nga kabs para pag inedit mamaya mas magandang itgnan 1-4 diba
avatar
MR. FAST
Admin
Admin

Male Posts : 18119
Location : Ginebra Tambayan

Back to top Go down

Re: 0-3 lang 'yan #Ginebra4Life

Post by garrett_jax on Wed Feb 27, 2013 12:29 pm

pwede naman iedit yan ................ 10-4 after elims ...........
avatar
garrett_jax
MVP
MVP

Male Posts : 9552
Location : Brgy. GINEBRA

Back to top Go down

Re: 0-3 lang 'yan #Ginebra4Life

Post by AngelRose26 on Wed Feb 27, 2013 2:14 pm

0-3 nga lang yan....pero nakakasawa rin pag puro talo manalo naman na sana sila...ako bilang fan ng Ginebra di ako nag gigive up...ewan ko lang sa mga ibang players at coach ng Ginebra...kasi sa nakikita ko walang magandang sistema or play ang team kanya kanya,,at walang team work..walang consistent maglaro kundi si Caguioa lang...walang ibang maaasahan sa team paano na lang kung wala na si Caguioa sino na lang aasahan ng team????

AngelRose26
MVP
MVP

Female Posts : 2495

Back to top Go down

Re: 0-3 lang 'yan #Ginebra4Life

Post by AngelRose26 on Wed Feb 27, 2013 2:23 pm

o-4 na nga pala sila sana mamaya 1-4 na yan

AngelRose26
MVP
MVP

Female Posts : 2495

Back to top Go down

Re: 0-3 lang 'yan #Ginebra4Life

Post by geraldasakura on Wed Feb 27, 2013 2:35 pm

Sige mamaya iedit natin yan... haha.. nung ginawa ni Ate steph yan 0-3 plang tayo eh..
avatar
geraldasakura
Admin
Admin

Male Posts : 4115
Humor : I'm only responsible for what I say not for what you understand

http://ginebratambayan.hooxs.com

Back to top Go down

Re: 0-3 lang 'yan #Ginebra4Life

Post by Sponsored content


Sponsored content


Back to top Go down

Back to top


 
Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum