RATRAT AGAD – GINEBRA COACH ALFRANCIS

View previous topic View next topic Go down

RATRAT AGAD – GINEBRA COACH ALFRANCIS

Post by ruxs_14 on Wed Jan 30, 2013 9:58 pm


“Maikli lang yung next conference kaya kailangan, ratrat agad.”

Ganyan ipaliwanag ni Barangay Ginebra San Miguel Coach Alfrancis Chua ang magiging istorya ng elimination phase ng PBA Commissioner’s Cup.

Gaya ng nakasanayan, single round robin lang ang preliminaries kung saan tig-si-siyam na laro lamang ang bawat team.

Sa format ng second conference ang dalawang lowest rated squads ang bibigyan ng maagang pahinga.

Ang top 2 matapos ang elimination round ay bibigyan ng twice to beat edge sa number 7 and 8 teams at magsasabong sa best-of-3 quarterfinals ang 3rd laban sa 6th at ang 4th kontra sa 5th.

Uusad sa best-of-5 semis ang apat na koponan na magbibigay ng ticket sa dalawang koponan na magbabanggan naman sa best-of-7 Finals.

“Bawat laro importante, hindi pwedeng magpa-petik petik,” giit ni Chua na ngayon ay natutuwa dahil mapusok ang mithiin ng kanyang mga alaga na bumawi.

“This is a totally new, yet old Ginebra,” dagdag pa ng fiery mentor na hindi naitago ang excitement sa kanyang coaching debut kasama ang most popular ballclub. (SBadua)

SOURCE: PBAinquirer.net

ruxs_14
Global Moderator
Global Moderator

Male Posts : 2739

Back to top Go down

Re: RATRAT AGAD – GINEBRA COACH ALFRANCIS

Post by AngelRose26 on Thu Jan 31, 2013 9:55 am

wait and see kung makakaratrat agad ang Ginebra or sila ang mararatrat agad...dapat di lang sa salita coach Chua gawin mo ng may gawa

AngelRose26
MVP
MVP

Female Posts : 2495

Back to top Go down

Re: RATRAT AGAD – GINEBRA COACH ALFRANCIS

Post by betterhalf on Thu Jan 31, 2013 10:21 am

Parang gustong mamaril ni coach al sa title palang ng article mukhang palaban ang bagong coach naten ngaun

betterhalf
Global Moderator
Global Moderator

Male Posts : 13764
Location : manila

Back to top Go down

Re: RATRAT AGAD – GINEBRA COACH ALFRANCIS

Post by Sponsored content Today at 9:55 am


Sponsored content


Back to top Go down

View previous topic View next topic Back to top

- Similar topics

 
Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum