Ako Kapag Talo ang Ginebra

View previous topic View next topic Go down

Ako Kapag Talo ang Ginebra

Post by DMac on Fri Nov 23, 2012 4:48 pm

Ako Kapag Talo ang Ginebra

Ako ay isang simpleng tao na sa Ginebra ay umiidolo
Ang PBA Team na kilala ng kahit na sino
Mula sa tao sa dulo ng mundo hanggang sa loob pa ng presinto
Mula sa pangulo hanggang sa tambay sa kanto

Ako'y isang fan mula ulo haggang sa dulo ng kuko
Kaya kapag Ginebra ay talo sa pader ay halos iuntog ang ulo
At kapag panalo sa pagtalon, sa sahig halos di na dumapo ang kuko
Ganyan ang epekto Ginebra sa akin na umiidolo

Kapag Ginebra ay talo di na makakain kahit magalit pa mga bulate ko
Kapag Ginebra naman ay panalo halos walang nang makain ang aso ko
Kapag Ginebra ay talo di na makatulog kahit ilang ikot pa sa kama ko
Kapag Ginebra at panalo sarap matulog dahil sa panaginip baka pumasok pa Ginebra ko

Ako'y ganito kapag natatalo ang Ginebra
Napapamura kapag tinambakan ng kalaban nila
Daming ginagawa para maiba ang laro nila
Lahat sinsisi kahit walang kinalaman sa laro nila

Bakit kasi siya ang commentator yan tuloy malas ang aming mga tirador
Dapat sana sinuot ko ay pula panalo sana ang Ginebra
Swerte dapat kung sa umpisa ako ay umabot, malas kasi kapag 3rd qtr na ako nakapanood
Dapat talaga sa Taas dapat di makalimot yan tuloy talo aming inabot

Ilipat ko muna ng channel baka mamaya swerte na aming mga player
Wala kasing headband si Jayjay effective sana kanyang mga play
Nagpalit kasi ng hairstyle si Caguioa di tuloy pumapasok kanyang mga tira
Naku siya courtside reporter sa Ginebra kasi yan ay bitter

Lahat na lang ng pamahiin kahit di ka naniniwala napipilitan kang gawin
Kahit taong walang kinalaman minsan sila aking pinag-iisipan
Kahit ibang koponan na hindi nila kalaban aking napagbubuntunan
Ilang lang yan sa aking mga kagagawan kapag ginebra ay talunan
avatar
DMac
Global Moderator
Global Moderator

Male Posts : 2458
Location : Pasig City
Humor : Today is the Tomorrow of Yesterday

Back to top Go down

Re: Ako Kapag Talo ang Ginebra

Post by nonoytaj on Thu Dec 13, 2012 4:52 am

Salamat sa pagsasatitik ng mga nakasanayan ng karamihan sa atin.
avatar
nonoytaj

Male Posts : 8
Location : Quezon City
Humor : Hindi ako madunong, nais kong matuto.

Back to top Go down

Re: Ako Kapag Talo ang Ginebra

Post by DMac on Thu Dec 13, 2012 10:20 am

nonoytaj wrote:Salamat sa pagsasatitik ng mga nakasanayan ng karamihan sa atin.

Salamat din sa pag-appreciate kabs!
avatar
DMac
Global Moderator
Global Moderator

Male Posts : 2458
Location : Pasig City
Humor : Today is the Tomorrow of Yesterday

Back to top Go down

Re: Ako Kapag Talo ang Ginebra

Post by skyscraper on Thu Dec 13, 2012 11:11 am

nonoytaj wrote:Salamat sa pagsasatitik ng mga nakasanayan ng karamihan sa atin.

noy! Thanks pre sa pag login dito ha.. Uy! Ganda ng JJ mo! Palit tayo hahaha.. Info shirt ni MC saken :masaya:
avatar
skyscraper
Global Moderator
Global Moderator

Male Posts : 17217
Humor : #OustNoliEala

Back to top Go down

Re: Ako Kapag Talo ang Ginebra

Post by JEYPS on Thu Dec 13, 2012 2:06 pm

astig talaga mga kabarangay..
avatar
JEYPS
Rookie
Rookie

Male Posts : 271

Back to top Go down

Re: Ako Kapag Talo ang Ginebra

Post by nonoytaj on Thu Dec 13, 2012 9:43 pm

@ Mod DMac

Walang anuman. Natutuwa ako na nakakabasa ako ng mga kontemporaryong tula dito. Malayo-layo pa na makabuo ulit ako ng isa. Kaya habang hinuhubog ko pa ulit ang kasanayang ito, magbabasa muna ako ng mga akda nila.

@ Sky

Walang anuman... Hirap lang ako sa ngayon gamit ang telepono ko. Tungkol sa pantaas-palitan, pwede ako sa kasunduang iyan. Alam ko naman kasi na hapit sa lahat ng maling sulok ang pantaas na mayroon ako. Nalabhan ko na siya... Pasabihan mo lang ako kung kailan :)
avatar
nonoytaj

Male Posts : 8
Location : Quezon City
Humor : Hindi ako madunong, nais kong matuto.

Back to top Go down

Re: Ako Kapag Talo ang Ginebra

Post by Sponsored content


Sponsored content


Back to top Go down

View previous topic View next topic Back to top

- Similar topics

 
Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum