Happy Birthday, Elmer!

View previous topic View next topic Go down

Happy Birthday, Elmer!

Post by DMac on Fri Nov 23, 2012 3:07 pm



Happy Birthday, Elmer!

Ang aking tula aking inaalay sa isang manlalaro ng aming Barangay
Nung una walang playing time, nakalimutan yata na this man knows how to fly
Sa UAAP pa lang sa kanya na ay sumusubaybay nagddunk kahit may sumasabay
Kaya ako ay natuwa na siya ay inilagay sa sikat naming team na Barangay

Sa unang pitong laro siya ay di nagagamit kaya halos uminit na ang kanyang puwet
Sa limang sunud-sunod na talo madami na ang nagalit
At ayun sa sumunod na laro siya ay nagamit
Mga tira niya ay hindi pinipilit kaya naman ang team kayganda ng sinapit

Tatlong sunud-sunod na laro siya ay consistent
Kitang-kita sa mga tira na siya ay confident
Kaya sa fist five siya ang ipinalit dahil kita naman laro niya ay sulit
Mga tira niya suwak na suwak sa net sana makiita ko na siyang mag dunk ng may sumasabit

Maligayang kaarawan sa iyo Elmer, masaya ako at hindi kana bench warmer
Isa kana sa pinagkakatiwalaan sa paghawak ng leather Kasama si Caguioa kung saan siya ang leader
Isa kana tlagang Ginebra member na saying die is never

Maligayang kaarawan sa iyo Espiritu, sa pinapakita mo depensa na nila ay malilito
Kung sino ang babantayan sila na ay mahihilo, pag focus nila kay MC kanila nang ihihinto
Set up ni Tenorio di na magugulo at si Siot di na magkakamot pa ng ulo
Sana manatili kang ganyan hanggang sa dulo para mailampaso natin mga kalaban nating mga Multo(Bengkay)

Maligayang kaarawan Elmer Espiritu, ipakita sa lahat na ikaw ay nararapat dito
Sa team na kilala halos lahat ng mga tao, Ginebra maririnig mo sa lahat ng kanto
Di tulad ng iba na para lang silang multo, kung kasikatan lang parang mas sikat pa si Bolado
Kaya Ginebra marami ang naiinsulto, kasi kahit mga bangko sa kasikatan hindi nila matalo

Elmer Espiritu sa Ginebra ikaw ay aming gusto, mga dunks mo ay perfect sa litrato
Lalo na kung ang sasabay ay tulad ni Eman tapos pupulutin team niya dun sa kangkungan
Sana maka dunk ka sa susunod na Ginebra ay mayron nang laban
Para makita at marinig mo Ginebra Fans kung paano magsigawan
Mga babaeng fans kung paano magtilian
Ganyan ang paraan namin para kagalingan niyo ay aming suklian

Maligayang kaarawan! - DMac


Last edited by DMac on Fri Nov 23, 2012 6:39 pm; edited 1 time in total
avatar
DMac
Global Moderator
Global Moderator

Male Posts : 2458
Location : Pasig City
Humor : Today is the Tomorrow of Yesterday

Back to top Go down

Re: Happy Birthday, Elmer!

Post by MR. FAST on Fri Nov 23, 2012 3:12 pm

Nice one mod DMac!

Happy bornday! sana gumanda pa lalo laro mo at iwas injury din!
avatar
MR. FAST
Admin
Admin

Male Posts : 18119
Location : Ginebra Tambayan

Back to top Go down

Re: Happy Birthday, Elmer!

Post by garrett_jax on Fri Nov 23, 2012 3:54 pm

hapi bday dmac !!!! ......................... :yaay:


este .......... hapi bday elmer!!!! .................. :birthday:
avatar
garrett_jax
MVP
MVP

Male Posts : 9552
Location : Brgy. GINEBRA

Back to top Go down

Re: Happy Birthday, Elmer!

Post by reigne15 on Fri Nov 23, 2012 4:06 pm

Happy b-day elmer
avatar
reigne15
New comer
New comer

Male Posts : 21
Location : Masantol, Pampanga

Back to top Go down

Re: Happy Birthday, Elmer!

Post by DMac on Fri Nov 23, 2012 4:52 pm

ui reign.... maglagi ka lang dito para masanay ka.....
avatar
DMac
Global Moderator
Global Moderator

Male Posts : 2458
Location : Pasig City
Humor : Today is the Tomorrow of Yesterday

Back to top Go down

Re: Happy Birthday, Elmer!

Post by AngelRose26 on Fri Nov 23, 2012 5:56 pm

happy beer day Elmer
keep up the good work :bday:

AngelRose26
MVP
MVP

Female Posts : 2495

Back to top Go down

Re: Happy Birthday, Elmer!

Post by Sponsored content


Sponsored content


Back to top Go down

View previous topic View next topic Back to top

- Similar topics

 
Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum