Heto Na Banat 1.0

View previous topic View next topic Go down

Heto Na Banat 1.0

Post by DMac on Thu Nov 15, 2012 11:46 am

Heto Na

Matagal-tagal na rin nung ako'y huling bumanat
As in bumanat para ang iba diyan ay mag-ingat
Matagal din akong nagpahinga sa pagpuna
Ng mga epal diyan na akala mo kung sino sila

Heto na at uumpisahan ko na, mauna tayo sa opening kung saan nag-umpisa
Dito pansin ko pag career sa bansagan, kung saan sa BARANGAY nmn ng Ginebra ito nasimulan
hindi ko na babanggitin mga nauna, sa paggaya na kala mo nmn dadami fans nila

Heto na ang mga bago, bago daw, sino namn niloloko nitong mga g*go
Bayan ng Rain or Shine, bayan? saang lupalop nmn nasabi na bago yan
Bayan daw ay mas malaki sa barangay, kaya pinilit kahit hindi bagay?
Bansang Meralco, sige bansa tatanggapin ko pero dahil kuryente sa bansa ay supply niyo
At hindi dahil sa BARANGAY ay mas malaki at sikat na kyo, utot niyo
Isasama ko na dito ang bago niyo dahil ang daming nainis na kabarangay ko
Kung mag angas akala mo kung sino eh mukha mo nmn parang sinto-sinto
Di namin alam kung ano ang iyong balak kaya tinawag sayo ngyon ay Boy Palakpak
Sa susunod humanda ka sa amin boy, dahil kung umasta ka para ka namang budoy

Gatas Republik, wala na bang maisip kaya halos ginaya na lang ang Ube Republic
Kahit nirerepresent niyan buong bansa sa pagdami ng fans huwag nang umasa

At siyempre ito aking paborito kaya kahit hindi bago ay papatulan ko
Saan man mag umpisa ito eh sa kanila ko tatapusin ang banat ko
Kahit magpalit kayo ng brand di ko pa rin kayo lulubayan
Dahil sa lahat ng mga koponan kayo panalo pagdating sa pakapalan
Hindi pakapalan ng fans kung 'di pakapalan ng mukha
Pakapalan ng mukha kaya kyo nabansagang bakla

Akala niyo sa pagpalit ng brand mawawala ang bakla
Kaya huwag magbakasakali meron pa rin tayo para sa mga BEKI
Kumbaga sa digimon may salitang evolve, kaya para s inyo ito ay aming na solve
San Mig COFFIN nang ito ay inyong baguhin, kaya heto na at hindi ko na patatagalin
Para sa San Mig COFFIN heto ang aming alay, na ibansag sa inyo ay BANGKAY
Pero akala niyo sa sa BEKI kayo ay nawalay
Hindi, dahil hindi hahayaan kayo ay mapilay
Dahil sa inyo ang bagong bansag ay BENGKAY! (BEki-baNGKAY)

avatar
DMac
Global Moderator
Global Moderator

Male Posts : 2458
Location : Pasig City
Humor : Today is the Tomorrow of Yesterday

Back to top Go down

Re: Heto Na Banat 1.0

Post by garrett_jax on Thu Nov 15, 2012 11:53 am

hahahahah ............ DKT uli ............... :hahahahaha:
avatar
garrett_jax
MVP
MVP

Male Posts : 9552
Location : Brgy. GINEBRA

Back to top Go down

View previous topic View next topic Back to top


 
Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum