Inyo Ang Dada Amin Ang Gantimpala

View previous topic View next topic Go down

Inyo Ang Dada Amin Ang Gantimpala

Post by DMac on Thu Nov 15, 2012 11:04 am

Inyo ang dada amin ang gantimpla


Heto na dumating na, bagay na kaytagal nang hinintay, Ng mga fans ng Ginebra na ngayo’y nagpupugay
Sa isang atleta na sa bawat laro’y nagbibigay kulay, Lahat binibigay dahil sa mga fans
ito ay kanyang alay
Heto na dumating na, MVP trophy nasa kamay na, Isang karangalan na dapat nakuha na dati pa
Ipinagdamot kasi sa kanya ng buwisit na media, Ibinigay sa isang tao na tumatakbo pagkatapos manipa (lol)


Ngayon kayo naman ang nagrereact na media ngayon si MC ang nakahatak
Pero dahil sa award na back-to-back at hindi dahil sa ARTISTANG TAGAHATAK
Kaya tumigil na kayo sa kakaputak, halina at painumin na lang naming kayo ng alak
Di yung kung ano-ano pumasok sa inyong utak, panay BMEG food kasi inyong pinapapak


Napakasarap ng ganitong pakiramdam dahil mga biik masasama ang pakiramdam
Nung Ginebra tinalo tindi kung magyabang, daig pa ang Alaska parang makakakuha ng grand slam
Ngayon parang pampamanhid kayo’y naturukan, walang masabi kasi parang manhid ang pakiramdam
Subukan niyo ngayon sa ami’y makipag-asaran, panigurado kayo uuwi ng luhaan


Sarap panoorin kagabi ng bakbakan, sa una si tukador hindi matapatan
Kahit anong bato ng bola nagpapasukan, tapos Yeng Guiao puntos walang mapagbunutan
Pero tukador meron din palang katapusan kaya rain or shine lumamang pa ng iilan
Tuwang tuwa ako sa kabila ng pag ulan dahil mga biik hayun pinulot sa putikan


Sarap talaga kapag pinagpapala lalo na kapag mga biik sa huli’y naka nganga
Wala ng magawa ngyon kundi ang dumada kasi niyayabangan ngayon ay pinagpala
Sa MVP na nakuha ni Caguioa at hindi ng idolo nila na sa ilong parang may nakabara


2-Time-Best-Player daw di basehan para kay Caguioa dahil finals di nadala ang Ginebra
Eh anong basehan niyo sa pagbbgay ng gantimpla, ang manligaw at mag asawa ng artista
Tumigil na kaya kayo sa kakadada manalangin na lang kayo na manalo pa sila
Pero sige kung yabang di pa rin mawala, inyo na ang dada at amin ang gantimpala.
avatar
DMac
Global Moderator
Global Moderator

Male Posts : 2458
Location : Pasig City
Humor : Today is the Tomorrow of Yesterday

Back to top Go down

Re: Inyo Ang Dada Amin Ang Gantimpala

Post by garrett_jax on Thu Nov 15, 2012 11:08 am

hahahahah ............. DKT ..............
avatar
garrett_jax
MVP
MVP

Male Posts : 9552
Location : Brgy. GINEBRA

Back to top Go down

View previous topic View next topic Back to top

- Similar topics

 
Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum