Ginebra at Caguioa kong Sinta.

View previous topic View next topic Go down

Ginebra at Caguioa kong Sinta.

Post by skyscraper on Tue Nov 13, 2012 6:03 pm

Walang PBA follower ang di napahanga ng Ginebra (ang kumontra, nagtanghalian ng ginisang ampalaya.). Walang PBA fan na di nakakakilala kay Mark Caguioa. Sa taglay niyang galing at kakaibang karisma, walang hindi mapapahanga sa kanya. Sa tapang ng loob, diskarte at basketball IQ, bigay-todo at buong puso kung maglaro, sa patay kung patay “never-say-die” attitude, tunay ngang siya ang nag-iisang The Spark.

Winakasan ng Ginebra ang limang sunod na pagkatalo noong gibain nilang muli ang Global Port Batang Pier sa Cuneta Astrodome nitong nakaraang Biyernes sa iskor na 81-79, sa ikalawa nilang paghaharap nitong komperensyang ito. Sa pangunguna nya, napanatili ng koponan ang composure at sinungkit ang panalo sa kasiyahan ng libo-libong tagasuporta. Linggo ng gabi, sa Mall of Asia Arena, nasaksihan kong muli ang angas ng isang Mark Caguioa. Atake, dribol, salaksak, bangga, harang, sugod. Kahit ang pagdurugo ng kaliwang kilay ay hindi naging hadlang upang bumalik sya sa laro at ipagpatuloy ang labang nasimulan. Sa ilan, nanumbalik ang alaala ng kahapon. Taong 1985 noong ipinamalas ni Living Legend Robert Jaworski Sr. ang never-say-die spirit matapos bumalik sa laro makaraang tahiin ang labi sa malaking sugat na tinamo nito. Kalaunan ay napagtagumpayan ng kanyang koponan ang larong iyon. Just like Coach Jawo himself, Caguioa’s leadership is exceptional. His never-say-die attitude is unmatched. Patay kung patay. Sa pagdapa ng Talk n Text Tropang Texters sa Ginebra sa iskor na 104-101, sinungkit ng paborito kong PBA team ang ikalawang sunod na panalo.

Tumigil na ang pagdurugo. May sugat pa ngunit unti-unti na itong naghihilom. Bumabangon at lumalaban nang muli ang koponang minahal at patuloy na minamahal ng tao ng ilang dekadang lumipas. Resbak na Ginebra!

Source: thatgirlthania
avatar
skyscraper
Global Moderator
Global Moderator

Male Posts : 17217
Humor : #OustNoliEala

Back to top Go down

Re: Ginebra at Caguioa kong Sinta.

Post by agni on Tue Nov 13, 2012 7:18 pm

Ginebra!!!!!!!!!Ginebra!!!!!!!!!!!Ginebra!!!!!!!!!Ginebra!!!!!!!!!!!



Mark Caguioa Lit up again the torch!!!!!!!
Be our Spark!!!!!!!!!!
Reawaken your team again!!!!!!!!
For Glory!!!!!!!!
For the Championship!!!!!!!!
LEAD US TO VICTORY

agni
Practice player
Practice player

Male Posts : 151

Back to top Go down

Re: Ginebra at Caguioa kong Sinta.

Post by garrett_jax on Tue Nov 13, 2012 7:31 pm

gling gling ni kabs thania ............ :yaay:
avatar
garrett_jax
MVP
MVP

Male Posts : 9552
Location : Brgy. GINEBRA

Back to top Go down

Re: Ginebra at Caguioa kong Sinta.

Post by Sponsored content


Sponsored content


Back to top Go down

View previous topic View next topic Back to top

- Similar topics

 
Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum