#Expecting

Go down

#Expecting

Post by skyscraper on Mon Nov 05, 2012 4:59 pm

#Expecting

After the game last night, nakapag-usap kami ni Kaye Cabal ng very very light.

She said it best.

"Wala na tayong maisusulat pa."

Tama nga naman.

Ano pa ba ang dapat isulat pa?

Masama ang nilaro kagabi.

Tanggapin na natin.

Natalo tayo ng SMCM.

Tanggapin na natin.

Actually, halos isang buwan na nga tayong walang panalo.

Tanggapin na natin.

Mahirap?

Malamang. Mahirap talaga.

Pero wala na tayong choice but to accept the fact that there is something wrong.

Something wrong.

Something missing.

Something needed.

Kung ano man 'yang something na 'yan, problema 'yan ng management, coaching staff, at players.

As fans, we have limitations.

At ang # 1 rule.. 'wag tayong #EXPECTING.

Kung gusto mo mag-welga at "Resign ****!", gawin mo.

Pero 'wag kang #expecting na may mangyayari sa pinag-gagagawa mo.

Kung gusto mo mag-mura hanggang maubusan ka ng laway, gawin mo.

Pero 'wag kang #expecting na may mararating ang mga pinagsasasabi mo.

Kung gusto mo umiyak at humandusay sa kalye, gawin mo.

Pero 'wag kang #expecting na may maaawa sa pagiging emo mo.

Bilang fans, dapat alam natin kung ano ang limitasyon natin.

Cheer without #expecting anything in return.

Manalo o matalo, cheer ka lang.

Fan ka diba?

Die hard ka diba?

Wag mo masyadong itaas ang #expecting mo.

Sabi nga nila kung anong taas ng lipad, siyang lakas ng lagapak.

Putragis. Nag-#expecting kasi ako na mananalo tayo.

Sakit. Sobra.

Pero fan ako.

Die hard ako.

Kaya kahit na natalo tayo ng pinaka-kinaiinisan kong team.

Kahit na tinawagan ako ni Papang Frank kaninang umaga para lang asarin na natalo ang Ginebra.

Kahit na feeling ko hindi ko na kakayanin kapag natalo tayo ng Global Port sa Friday.

Okay na ako.

Tanggap ko na.

Hindi na ako #expecting.

Pero sabi rin nila there's always an exemption to every rule, diba?

Kaya kahit na ano pa ang mangyari, may isang bagay na #expecting ko pa rin.

#Expecting ko na hindi tayo titigil sa pagsuporta sa Ginebra.

Kahit na last win natin this conference 'yung controversial game against Rain or Shine.

Kahit na asar na asar na tayo sa pangaasar ng ibang fans.

Kahit na feeling mo ang liit-liit nung basket ng Ginebra.

#Expecting ko na hindi tayo titigil sa pagpunta sa Araneta o sa MOA, o pagnood sa TV o live streaming.

#Expecting ko na hindi niyo ibaba ang napakalaking Ginebra banner niyo at hindi hihina ang sigawan.

#Expecting ko na magkikita-kita pa rin tayo, magtatawanan kapag nanalo, at magdadamayan kapag natalo.

Dahil sabihin man nila na "Asan na ang never say die ng Ginebra players?"..

Sabihin man nila na "Walang ibubuga si Caguioa kay.."..

Sabihin man nila na "Cellar dwellers na ang Ginebra ngayon."..

Hinding-hindi nila maipagkakaila na, kahit matalo ang Ginebra ng 5-straight o 5-year drought pa yan..

Ang mga squatter fans, sunog baga boys, social climbing girls, saleslady, bus driver, konduktor, snatcher, mayayabang, walang pinag-aralan na fans ng Ginebra..

Full support pa rin.

#Expecting na nila 'yan.

Source: Tepmags
avatar
skyscraper
Global Moderator
Global Moderator

Male Posts : 17217
Humor : #OustNoliEala

Back to top Go down

Re: #Expecting

Post by MR. FAST on Mon Nov 05, 2012 5:08 pm

may video ba kayo ni #EXPECTING
avatar
MR. FAST
Admin
Admin

Male Posts : 18119
Location : Ginebra Tambayan

Back to top Go down

Re: #Expecting

Post by garrett_jax on Mon Nov 05, 2012 5:18 pm

may video ba? ............ last 1 min umalis na ako para gawin ang inuutos ni kumander............ :naughty:
avatar
garrett_jax
MVP
MVP

Male Posts : 9552
Location : Brgy. GINEBRA

Back to top Go down

Re: #Expecting

Post by dencio on Mon Nov 05, 2012 5:43 pm

yung "expecting" e sinabi ata ni Jems nung ininterview siya after nung 1st half,,kala ko nga namali lang ako ng dinig kasi medyo masakit sa tenga yung grammar nya..hehe..pinaguusapan nila noon yung pagiging Fes of the PBA nya,nyahaha.,.o inulit nya din after ng game?di na nakuntento sa isa?nyahahaha!!

dencio
Rookie
Rookie

Male Posts : 252

Back to top Go down

Re: #Expecting

Post by Sponsored content


Sponsored content


Back to top Go down

Back to top


 
Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum