Ang Ginebra Die Hard

View previous topic View next topic Go down

Ang Ginebra Die Hard

Post by betterhalf on Tue Oct 30, 2012 2:05 pm

Ang Ginebra Die Hard


Ang dami na ng nasabi regarding the unGinebra like Ginebra this conference.

Marami na ring comments kung sino dapat matrade or di kaya dapat palitan.

Halos lahat ng patungkol sa Ginebra, ang nega nega.

Pero I'll take this opportunity to enlighten everyone with a positive note.


Hindi ko pinanood ang game nila vs Alaska. (Basta, may rason ako)

Heading to Sunday, I was on different kind of high. Hindi ako adik, I swear

Ang ganda ng weather, mukhang mananalo Ginebra.

No.

As in, no.

No no no no way. No no no no waaaaaaay.

Drubbing. Halos lamunin tayo ng Alaska.

Or nilamon nga talaga tayo ng Alaska.

Nalungkot ba ako? Malamang.

Nadepress ba ako? For sure.

Nanghina ba ako? Very very light.

Imagine this.

Ginebra was painfully dealt their fourth loss in front of a sell out crowd on a Sunday evening.

Syempre lahat ng basketball fans, Ginebra man o hindi, may comment.

Bakit natalo?

Pangit ang system. Maling player nasa court. Atbp.

But in the midst of the sea of complaints and destructive criticism that was threatening to swallow us all up..

There was a tiny red buoy..

Floating..

Going with the tide..

A small dot from a far but a sign of something.

Something positive.

Pinanood ko yung replay before I wrote this blog post because I was very curious about the Gi-ne-bra! chants during the last canto of the game.

To everyone who joined the chanting of the age old chorus Sunday night - saludo ako sa inyo!

Kahit na tambak na tayo.

Kahit na naka-tres si JVee Casio.

#$%&()+!&*@.

Kahit na mukhang matatalo na tayo.

I just want to take time to write about why, at least for me, Ginebra is an institution.

Yung mga nasa Upper A or Upper B. Yung mga nasa GenAd.

Aminin niyo man o hindi, yung mga karpintero, construction worker, mga working class.

Kayo ang dahilan kung bakit instutusyon ang Ginebra.

Kayo.

You guys.

Kamo.

At kahit pa ilang talo, ilang taon na walang championship, ilang masasakit na salita from non-believers..

Alam ko na babalik at babalik pa rin kayo para supportahan ang Ginebra.

Oo, kayo.

Hindi ako kasama kasi hindi ko pa na aattain ang level niyo.

Beginners level pa lang ako, kayo hard core na.

Kapag mukhang matatalo na, palipat-lipat na ng channel.

Kapag mukhang matatalo na, panghihinaan na ng loob.

Kapag mukhang matatalo na, bad mood na agad agad.

Pero kayo? Pakshet.

Ibang klase. Para kayong galing outer space.

Bakit?

Kasi pinapalakas niyo loob ng mga players?

Kasi pinapakita niyo sa kanila na andyan lang kayo?

Kasi pinapakita niyo sa lahat na kahit anong mangyari, support pa rin?

HINDI.

Bakit ibang klase kayo?

Kasi yung mga players, sa totoo lang, trabaho nila yan..

Kasi yung mga coaches, sa totoo lang, trabaho rin nila yan...

Gets ko na we cheer them to show our support..

Gets ko rin na we air our frustrations not because we're angry (ok fine, very slight lang) but because we care..

Pero nung narinig ko yung chants niyo.. wow lang. WOW.

That cemented the fact that you guys are the reason why Ginebra is an institution.

Given na yung players, malamang players yan. Alangan naman hindi sila mag-laro.

Pero yung mga fans na, day in day out.

Yung mga fans na, talo o panalo.

Yung mga fans na, kahit pikon na pikon na.

Andun pa rin kayo.

Mahabang pila.

Agawan ng upuan.

Minsan nga sa hagdan na lang.

Yung mga fans na hindi nasusulat sa blogs, sa sports articles.

Yung mga fans na pati kapwa fans binibigyan ng pag-asa.

Yung mga fans na masasabi mong tunay na Ginebra fan.

Kayo.

KAYO PO ANG DAHILAN KUNG BAKIT GINEBRA ANG GINEBRA.

Hindi ako magpapasalamat kasi hindi niyo iniwan ang Ginebra nung natambakan tayo ng Alaska.

Hindi ako magpapasalamt kasi pinakita niyo sa kanila na support pa rin kayo kahit ano pa mangyari.

Hindi ako magpapasalamt kasi pinafeel niyo sa mga players na mahal niyo sila at super fans kayo.

Nagpapasalamat ako kasi sa panahon na lugmok na, pinaalala niyo kung bakit dapat lumaban pa.

Nagpapasalamat ako kasi sa panahon na nawalan na ng gana, pinaalala niyo kung bakit dapat maging matatag.

Nagpapasalamat ako kasi sa panahon na bibitiw na, pinaalala niyo kung bakit ang sarap maging Ginebra fan.

Talo tayo. Actually, pang-apat na 'yun.

Sana manalo na tayo sa Sunday.

Pero kung hindi tayo swertehin sa Linggo (wag naman sana!) at kahit na feeling ko ikamamatay ng kaluluwa ko kung nagkataon.. handa na ako.

Kasi alam ko hindi lang ako ang magiging depressed if that would happen lol

Seriously, though.

Handa na ako, kasi kung totoong Ginebra die hard ka - kahit na lamang pa ng trenta puntos ang kalaban at kahit pa magmukha kang juice sa kasisigaw diyan..

Magchicheer ka pa rin.

Susuportahan mo pa rin sila.

Ginebra fan ka hanggang sa dulo, hindi lang kapag nananalo.

Kahit four more years of championship drought pa yan, okay lang.

Kasi alam ko na si manong jeepney driver, si kuyang construction worker, si ateng saleslady, si Buboy at si Sandra.. andyan lang, sumusuporta sa Ginebra.

Sa TV, sa radyo o sa Araneta.

Manalo, matalo, o nadaya.

Masaya, malungkot, o suicidal.

Kapag Ginebra fan ka, hindi ka mag-iisa.

At for me, yan ang rason kung bakit insitusyon ang Ginebra.

Kasi alam natin na hindi tayo nag-iisa kahit ano pang challenges ang pagdaanan natin.

At kahit 4 game losing streak, kahit 1 more year of no championship..

Ginebra fan ako at alam kong hinding-hindi ako mag-iisa.

TEPOMAGS
avatar
betterhalf
Global Moderator
Global Moderator

Male Posts : 13764
Location : manila

Back to top Go down

View previous topic View next topic Back to top


 
Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum