ginebratambayan.hooxs.com
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.

Aguilar, Casio lipat-bahay?

Go down

Aguilar, Casio lipat-bahay?  Empty Aguilar, Casio lipat-bahay?

Post by skyscraper Fri Aug 31, 2012 1:52 pm

Aguilar, Casio lipat-bahay?


May mga trade rumors pang hindi maawat sa PBA.


Pero tulad ng ibang haka-haka, walang makuhang kumpirmasyon bagama’t ayaw matigil ang mga usapin. Bahagi ito ng inaasahang balasahan bago ang 2012-13 season na magbubukas sa Sept. 30.


Dalawa sa mga pa­ngalang lumulutang na po­sibleng mai-trade sina 6-foot-9 center-forward Japeth Aguilar ng Talk ‘N Text at si sophomore playmaker Jayvee Casio ng Global Port.


Ayon sa mga kumakalat na bali-balita, “done deal” na umano ang paglipat ni Aguilar sa Batang Pier kapalit ni Rabeh Al-Hussaini.

Ang Global Port Batang Pier ni Mikee Romero ang pinakabagong team sa PBA, binili ang prangkisa ng Powerade.


Anumang araw umano ngayong linggo ay makakarating na sa tanggapan ni commissioner Chito Salud ang papel ng deal.


Hindi lingid sa lahat na limitado ang playing time at exposure ni Aguilar sa TNT at may mga report pang nagbabalak na umano itong bumalik sa US para sumubok sa NBA D-League.


Sa nagpapalakas na team ni Romero, siguradong magagamit nang husto si Aguilar.
Si Casio naman umano ay gustong makuha ng Barangay Ginebra.


Isa umano sa ipinapain ng Kings sina veteran guard Mike Cortez at forward Willy Wilson.


Sina John Wilson at Willy umano ang unang inihatag ng Kings bilang kapalit ni Casio, pero hindi pumayag si Romero. Napunta na sa Air21 si John kasama si KG Canaleta kapalit ni Elmer Espiritu at 2013 first round draft rights ng Express.

Source: abante tonight
skyscraper
skyscraper
Global Moderator
Global Moderator

Male Posts : 17217
Humor : #OustNoliEala

Back to top Go down

Back to top

- Similar topics

 
Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum