LABANANG GINEBRA-ALASKA, LAOS NA?

View previous topic View next topic Go down

LABANANG GINEBRA-ALASKA, LAOS NA?

Post by NSD Loyalist on Thu Nov 24, 2011 6:43 pm

LABANANG GINEBRA-ALASKA, LAOS NA?
By Rod Majikina and was posted on Wednesday, November 23rd, 2011 at 11:45 am




Bagama’t dikit ang laban ng Ginebra at Alaska ngayong gabi, kung saan nanalo ang Kings sa talang 85-77, kapansin-pansin na nawalan na ito ng anghang.
Nagsimula ang mainit na tunggalian ng dalawang prankisa noong 1996, nang magharap sila sa Governor’s Cup finals. Nagwagi dito ang Milkmen, tungo sa pagkakapanalo nila ng grandslam. Lubhang nasaktan ang kampo ng Ginebra. Ang pagkatalo nila ay naging inspirasyon pa para maisulat ang isang awitin.





Nang sumunod na taon, muling nagharap ang dalawang koponan sa Commisioner’s Cup finals. Sa pagkakataong ito, nanalo ang Gordon’s Gin Boars na pinangunahan nina Marlou Aquino, Noli Locsin, Vince Hizon, Bal David, at ng banyagang si Chris King.





Noon lamang nakaraang taon, nagharap ulit ang Kings at Aces dalawang maiinit na serye sa PBA semifinals. Parehong napagwagian ng Aces ang nasabing mga serye.
Bakit nga ba tila nawalan na ng init ang Ginebra-Alaska rivalry? Isa-isahin natin ang mga dahilan:

1. Nangungulelat ang Alaska. Mababa ang morale ng Alaska dahil hindi sila makabwelo sa team standings. Kasalukuyang nasa ika-siyam na pwesto ang Aces, na may kartadang 3-8. Kalahating laro lamang ang lamang nila sa Powerade (3-7). Ang ika-syam at ika-sampung koponan pagkatapos ng eliminations ang matatanggal, kaya naman nanganganib ang Aces.

2. Paninibago ng Alaska. Mula nang mawala sina Joe De Vance at coach Cone, nahirapan na ang Aces na panatilihin ang mahusay na pasahan at sistema ng paglalaro.

3. Kulang-kulang pa rin ang Ginebra. Hindi pa rin nakakakuha ng malakas na sentro ang Ginebra. Maaring sa kasalukuyan nilang line-up ay makakuha ang Kings ng maraming panalo, pero hindi ito sapat para talunin ang malalakas na koponan tulad ng TNT.

4. Walang sapat na motibasyon. Dahil nga hindi contenders ang dalawang koponan, hindi ganoon kainit ang naging banggaan nila ngayong gabi.

5. Usap-usapan tungkol sa trade. Umuugong ang balita sa mga social networking sites na gustong makuha ng Ginebra si Sonny Thoss sa Alaska. Ayon sa bali-balita, handang bitawan ng Kings si Enrico Villanueva kasama ang isa kina Ronald Tubid o JC Intal. Sa aking palagay, isa ito sa mga dahilan kung bakit medyo malamya ang naging laro nila ngayong gabi: dahil sa posibilidad na malipat sila sa koponan na nais nilang talunin.

Source: The Hotdog Stand

NSD Loyalist
Admin
Admin

Male Posts : 2969
Humor : That's for me to know and for you to dot, dot, dot.

Back to top Go down

Re: LABANANG GINEBRA-ALASKA, LAOS NA?

Post by MR. FAST on Fri Nov 25, 2011 2:39 pm

Siguro yung alaska ang laos na!

MR. FAST
Admin
Admin

Male Posts : 18119
Location : Ginebra Tambayan

Back to top Go down

View previous topic View next topic Back to top

- Similar topics

 
Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum