PBA Player of the Week si Caguioa

View previous topic View next topic Go down

PBA Player of the Week si Caguioa

Post by Ginebra Tambayan on Tue Jul 10, 2012 9:46 am

PBA Player of the Week si Caguioa
Ni RCadayona (Pilipino Star Ngayon) Updated July 10, 2012 12:00 AM

MANILA, Philippines - Sa gitna ng kagipitan, ma­asahan ang kabayanihan ni Mark Caguioa.

Ipinakita ito ng tinaguri­ang "The Spark" sa 87-85 paglusot ng Barangay Gi­nebra laban sa nagdedepensang Petron Blaze sa carryover semifinal round ng 2012 PBA Governors Cup no­ong Linggo sa Smart-Ara­neta Coliseum.

Bagamat si import Cedric Bozeman ang tumikada ng game-winning jumpshot, si Caguioa naman ang gumiya sa Gin Kings mula sa 13-point deficit sa third pe­riod.

Dahil dito, hinirang ang 2001 PBA Rookie of the Year bilang Accel-PBA Press Corps Player of the Week.

Humakot si Caguioa ng game-high 25 points, 6 assists at 6 rebounds para sa ikalawang sunod na panalo ng Ginebra sa semifinals.

“He is more mature now,” ani coach Siot Tanquingcen kay Caguioa. “He is still the scorer that he was when he started out in this lea­gue. But now he is finding other ways to help his team, be it sa scoring, passing or even rebounding.”

Sa kanyang dalawang laro sa semis, nagtumpok ang pambato ng Vergara, Man­daluyong ng mga ave­rages na 17.5 points, 4.5 re­bounds at 3.5 assists.

Sa kanilang panalo kontra sa Boosters, nagtala si Ca­guioa ng 8 points at ma­ha­lagang 3 assists sa fourth pe­riod para ilagay sa unahan ang Gin Kings.

"Mark has always been a winner," sabi ni Tanquingcen. "He is willing to take the risk and it usually pays off. Bi­hira ang mga players na ga­noon and that's what sets him apart from other good pla­­yers, that attitude."

Nauna nang pinuri ni ‘Li­ving Legend’ Robert Jaworski, Sr. si Caguioa dahil sa istilo ng paglalaro nito.

“I wanna dedicate this ga­me for him and for the old Gi­nebra team,” ani Caguioa.

Mula sa kanilang 7-4 re­cord sa ilalim ng Rain or Shi­ne (9-2) at B-Meg (7-3) ka­sunod ang Petron (5-5), Talk ‘N Text (5-5) at Meralco (4-6), dalawang panalo pa ang kailangan ng Ginebra upang makopo ang isang playoff para sa ikalawang fi­nals slot.

Source: Philstar.com
avatar
Ginebra Tambayan
News Maker
News Maker

Male Posts : 1095

Back to top Go down

Re: PBA Player of the Week si Caguioa

Post by MythicalV on Tue Jul 10, 2012 9:59 am

Sarap basahin!
avatar
MythicalV
MVP
MVP

Posts : 6904

Back to top Go down

Re: PBA Player of the Week si Caguioa

Post by MR. FAST on Tue Jul 10, 2012 10:00 am

Galing mo talaga MC! #MCforMVP
avatar
MR. FAST
Admin
Admin

Male Posts : 18119
Location : Ginebra Tambayan

Back to top Go down

Re: PBA Player of the Week si Caguioa

Post by garrett_jax on Tue Jul 10, 2012 10:10 am

gling gling mo talaga idol ............. ikaw na ang MVP!!! ........... :caguioa:
avatar
garrett_jax
MVP
MVP

Male Posts : 9552
Location : Brgy. GINEBRA

Back to top Go down

Re: PBA Player of the Week si Caguioa

Post by betterhalf on Tue Jul 10, 2012 10:13 am

itong season na ito ang magpapatunay na karapat dapat tlgang maging MVP si caguioa ngaun taon
avatar
betterhalf
Global Moderator
Global Moderator

Male Posts : 13764
Location : manila

Back to top Go down

Re: PBA Player of the Week si Caguioa

Post by ian47 on Tue Jul 10, 2012 7:18 pm

[img]%20%20Uploaded%20with%20ImageShack.us[/img]
avatar
ian47
Rookie
Rookie

Male Posts : 272
Humor : Never Say Die

Back to top Go down

Re: PBA Player of the Week si Caguioa

Post by Sponsored content


Sponsored content


Back to top Go down

View previous topic View next topic Back to top

- Similar topics

 
Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum