Barangay Flip Top

Page 9 of 10 Previous  1, 2, 3, 4, 5, 6, 7, 8, 9, 10  Next

View previous topic View next topic Go down

Barangay Flip Top

Post by DMac on Fri Apr 20, 2012 2:53 pm

First topic message reminder :

Trip Trip lang mga tol

Upuan by Dmac


Kayo po na naka upo,
Subukan nyo namang tumayo
At para mahataw, at para matanaw kayo
Ng mga kabarangay ko

Ganito kasi yan eh...

Verse 1:

Kume, nandyan po ba kayo sa loob ng
Araneta at malawak na laruan
Mataas na pader pinapaligiran
Ng naka pilang mamamayan ng bayan
Mga ref na laging pito ng pito
Wala namang foul pero marami ang naka tawag
Lumakas man ang chant ay walang bawi ang ref
Mga piso’t inumin na kung pwede lang ibato
Ang tawag ay sinlabo ng langis na nasa kahon
Kahit walang foul kaya ang masa ay may hamok
Ang sarap sigurong magtirahan sa bagay na ganyan
Sabi pa nila ay dito ay “kampihan na”
Ng mga tao na nagmamay-ari ng tatlong upuan
Na pag may pagkakatao'y may kinakampihan
Kaya naman hindi nila pinahahalata
Kung makikita ko lamang sila ay aking sisigawan

Chorus:

Kayo po na naka upo,
Subukan nyo namang dumayo,
At para mahataw, at para mahataw kayo
Ng mga kabarangay ko


Last edited by DMac on Wed Oct 17, 2012 1:11 pm; edited 4 times in total
avatar
DMac
Global Moderator
Global Moderator

Male Posts : 2458
Location : Pasig City
Humor : Today is the Tomorrow of Yesterday

Back to top Go down


Re: Barangay Flip Top

Post by betterhalf on Thu Oct 25, 2012 5:12 pm

lagay ko sa fb natin ito pde
avatar
betterhalf
Global Moderator
Global Moderator

Male Posts : 13764
Location : manila

Back to top Go down

Re: Barangay Flip Top

Post by NSD Loyalist on Thu Oct 25, 2012 5:16 pm

DMac wrote:Maligayang unang taon ng anibersaryo Ginebra Tambayan
Dito ay sama-sama tayo at welcome sino man
Tambayan na makikita mo ang halaga ng kapatiran
Kaya hindi namin hahayang mabuwag ito ng sino man

Isang taon ang nakalipas, may nadagdag at may lumayas
Pero yun ay parang isa lang patalastas, dahil babalik din tayo sa tunay na palabas
May mga tampuhan at may mga awayan, pero pagsubok lang yun ng tunay na samahan
Dahil tambayan ay hindi pababayaan, kaya nga isang taon na yan ang katibayan

Bilang hindi orihinal ako ay bumabati sa mga guwapo't magaganda na andito na dati
Ako din ay nagpapasalamat dahil ako'y nasali dahil sa tambayan napapangiti ako lagi
Maaring ito ang tambayan na walang inuman pero malalasing ka sa lalim ng mga usapan
Dito di lang puro kalokohan marami ring impormasyon na madami kang matututunan

At dahil flip top ito kailangan ipakita pa rin ang kahulugan nito
Para sa mga makakabasa na hindi ko pinag alayan niyo, eto para sa inyo
Maaaring nakaka isang taon pa lang kami, di tulad niyo na dati pang madami
Pero aanhin mo ang madami kung IISA lang ang gustong maghari

Na kapag nabanatan o kahit hindi man, gagamitan kaagad ng kapangyarihang mag ban
Di porke King ang nasa handler mo ay puwede kanang maghariharian
Dahil panigurado yan may babanat sayo ng talikuran
Huwag mong pagmalupitan ang mga mabubuti, dahil baka maging dahilan ito ng pagputok ng iyong BUTSI

Ngayon ako'y muling magbabalik, pagbati sa tambayan na may pagkakaibigang matalik
Basta kung may aalis, panigurado naman ay mayroong papalit
Sa mga tampuhan at awayan huwag hayaang manatili ang galit
Para tambayan ay di nating magawang ipagpalit

Sa aking mga kabarangay, tayo ay magpugay
Hayaan lang natin ang iba na magtaas ng kilay
Huwag natin hayaang magdulot ito ng pagkapilay
Basta tayo ay may samahang tunay
Kabarangay ay magiging matibay. Mabuhay!!!


:10: :gudjob: Mod Dmac! Cheers for that! :thumbsup:
avatar
NSD Loyalist
Admin
Admin

Male Posts : 2969
Humor : That's for me to know and for you to dot, dot, dot.

Back to top Go down

Re: Barangay Flip Top

Post by athankings on Thu Oct 25, 2012 5:31 pm

wa ako masabi, parang na papa rap ako kahit hindi rapper

totoo yta yung may nagsabi na ako lang walang talent
avatar
athankings
MVP
MVP

Male Posts : 5740
Humor : I may look tough, but inside I'm easily broken. My words may seem strong, but inside I've never spoken.

Back to top Go down

Re: Barangay Flip Top

Post by DMac on Thu Oct 25, 2012 5:50 pm

oo bro ilagay niyo sa FB yan. hehehe itag mo si BEKIng Hotdog
avatar
DMac
Global Moderator
Global Moderator

Male Posts : 2458
Location : Pasig City
Humor : Today is the Tomorrow of Yesterday

Back to top Go down

Re: Barangay Flip Top

Post by lyanne on Thu Oct 25, 2012 5:53 pm

ang tindi nun.. happy anniversary po
avatar
lyanne
Practice player
Practice player

Female Posts : 140
Location : Paranaque

Back to top Go down

Re: Barangay Flip Top

Post by betterhalf on Thu Oct 25, 2012 5:54 pm

[quote="lyanne"]ang tindi nun.. [img][You must be registered and logged in to see this link.]

parang ung back-up lang ni boy pick-up kung mag react kamesa
avatar
betterhalf
Global Moderator
Global Moderator

Male Posts : 13764
Location : manila

Back to top Go down

Re: Barangay Flip Top

Post by lyanne on Thu Oct 25, 2012 5:58 pm

[quote="NOTSONICEGUY"]
lyanne wrote:ang tindi nun.. [img][You must be registered and logged in to see this link.]

parang ung back-up lang ni boy pick-up kung mag react kamesa

oh sige, ibahin ko nlang.. adeek mo better..
mahusay.. mahusay.. magaling.. kita ko sa fb e, kaya nga napadpad ako ulit dito
avatar
lyanne
Practice player
Practice player

Female Posts : 140
Location : Paranaque

Back to top Go down

Re: Barangay Flip Top

Post by DMac on Thu Oct 25, 2012 6:07 pm

lyanne wrote:ang tindi nun.. happy anniversary po

Ayt! Ayt! hehehe

Thanks!
avatar
DMac
Global Moderator
Global Moderator

Male Posts : 2458
Location : Pasig City
Humor : Today is the Tomorrow of Yesterday

Back to top Go down

Re: Barangay Flip Top

Post by geraldasakura on Thu Oct 25, 2012 7:32 pm

Late reaction pero isa lang masasabi ko... Isa kang Henyo Dmac!!! apir! ng madami sayong mga bara at banat! isa nanamang taong puro banatan sa mga kritikong walang alam ay mag HATE.. haha.. apirs
avatar
geraldasakura
Admin
Admin

Male Posts : 4115
Humor : I'm only responsible for what I say not for what you understand

http://ginebratambayan.hooxs.com

Back to top Go down

Re: Barangay Flip Top

Post by ruxs_14 on Thu Oct 25, 2012 10:10 pm

yan ang tambayan...san ka pa, hindi man gaano kalaki at kadami ang pamilya, hala subukan nyo kami at hindi kami uurong, :happy4: yan ang magdalo group :Metalslug:
avatar
ruxs_14
Global Moderator
Global Moderator

Male Posts : 2739

Back to top Go down

Re: Barangay Flip Top

Post by DMac on Mon Oct 29, 2012 7:03 pm

Di ko na alam kong ano pa ang dapat sabihin
Nakita napagbigyan naman karamihan sa mga hangarin
Bakit hanggang ngayon takbo ay di pa rin matulin
Inaasahan namin nananatiling nakabitin

Oo nga may mga naalis pero andiyan na naman si Ellis
Pero arangkada nananatiling mabagal at hindi mabilis
Kaya mga damdamin namin nakakaramdam pa rin ng pananakit
Kahit nakuha mo naman ang gusto mo na si Keith

Matagal ko nang naririnig yang salitang chemistry
Pero bakit hanggang ngyon hirap kayong makuha ang win no. 3
Sa mga player pa nga ba ang problema
Kaya ika-apat na pagkatalo ang inyong nakuha

Sobrang sakit sa amin na na pagyuko sa laro sa inyo ay aming makita
Dahil alam naming hindi ganyan ang laro ng Ginebra
Sapagkat kahit tinatambakan ng malaki ng kalaban nila
Mga player hindi nakayuko at laging nakatingala

Kaya dati kahit talo kami ay nananatiling masisigla
Kahit asarin pa ng iba hindi nila kami mapaluha
Pero ngayon konting ngisi lang sa kanilang mukha
Daig pa namin ang nasagasaan at nayuping lata

Oh mahal naming ginebra, ano ba ang nangyayari talaga
Sa mga player ba na alam naman naming may ibubuga
O sa mismong taong may hawak ng manibela
Bakit tatak "Never Say Die" hindi namin makita

Oh mahal naming Ginebra, ano ba ang problema
Mga player ba na kaya namang tumapat sa iba
O ang taong dapat nagbibigay sa inyo ng sigla
Kaya hayan tuloy di na madinig sigaw na GI-NEB-RA
avatar
DMac
Global Moderator
Global Moderator

Male Posts : 2458
Location : Pasig City
Humor : Today is the Tomorrow of Yesterday

Back to top Go down

Re: Barangay Flip Top

Post by geraldasakura on Tue Oct 30, 2012 3:35 am

Ang luuuuupeeeeet mo Dmac! Ayt! haha... nice one pre!
avatar
geraldasakura
Admin
Admin

Male Posts : 4115
Humor : I'm only responsible for what I say not for what you understand

http://ginebratambayan.hooxs.com

Back to top Go down

Re: Barangay Flip Top

Post by geraldasakura on Tue Oct 30, 2012 3:57 am

(DKT Boys)
Eto na (ano yun?) ang mga pogi ng taon
ang mga pangit sa mundo ay amin ng ibabaon
huminahon (ooops)
wag munang humiyaw
pagkat andito na ang mga may dugong bughaw

(athan)
gwapings number 1
kilabot sa elementary
sa slambook, slam note kami ang priority
Sa sorority
ako'y pinag-aawayan
hindi ko pinansin lahat sila nagiiyakan

(Dmac)
Nandito nanaman ang mga fans ko sa daan
kawawa nga lang yung iba ayon naiwan sa labas
meron pang nadulas
merong nag-iwan ng habilin
kung pwede daw ang picture ko isama sa libing
kaya ako'y umiiling
ano bang kasalanan?
ng poging katulad ko mahirap talikuran
hindi tuloy ako makapamuhay ng normal
sana pangit nalang kami lagi kong pinagdarasal

(gege)
wag na kayong malumbay, alam kong napakasakit
na tanggapin ang katotohanan bakit hindi ipinagkait
hindi man lang nila kami biniyayaan
ng konteng kapintasan, sa buong katawan

(nice)
ksi nung nagsabog si lord ng pagkagwapo
nasa bubong ako kaya lahat nasalo ko
pasalamat kayo andito kami sa inyong tabi
kasi kung wala kami dito wla kayong silbi


hahaha! Laftrip to... walang pakelamanan ng trip ah? minsan lang to...

:geraldasakura: :3tower:



avatar
geraldasakura
Admin
Admin

Male Posts : 4115
Humor : I'm only responsible for what I say not for what you understand

http://ginebratambayan.hooxs.com

Back to top Go down

Re: Barangay Flip Top

Post by DMac on Tue Oct 30, 2012 10:20 am

Hahaha. Tinalo pa natin si Andrew E sa kakapalan ng mukha natin dito.

nice one! Dito lang may ganyan. hahaha
avatar
DMac
Global Moderator
Global Moderator

Male Posts : 2458
Location : Pasig City
Humor : Today is the Tomorrow of Yesterday

Back to top Go down

Re: Barangay Flip Top

Post by MR. FAST on Tue Oct 30, 2012 10:26 am

sino ba sa inyong dalawa ang papalit sa trono nya?
avatar
MR. FAST
Admin
Admin

Male Posts : 18119
Location : Ginebra Tambayan

Back to top Go down

Re: Barangay Flip Top

Post by athankings on Tue Oct 30, 2012 10:41 am

dami ko tawa admin gerald nyak nyak nyak
avatar
athankings
MVP
MVP

Male Posts : 5740
Humor : I may look tough, but inside I'm easily broken. My words may seem strong, but inside I've never spoken.

Back to top Go down

Re: Barangay Flip Top

Post by DMac on Tue Oct 30, 2012 12:44 pm

Manalo, Matalo

Marahil lahat ngayon ay nakayuko, daig pa ang na-busted na durog ang puso
Sa estado ng koponan nating naghihingalo at konti na lang tayo na ang nasa dulo
Pero hindi pa ito ang katapusan ng mundo kaya itingala at idiretso lang mga ulo
Dahil may pag asa pa koponang ating paborito parang lang yang pagkain na kulang pa sa luto

Di lang naman ito ang una, na nangulelat mahal nating Ginebra
Dati nga akala natin wala nang pag-asa, pero pagdating sa dulo sila pa ang nanguna
Di sila babansagang Team Never Say Die kung walang patunay
Sa umpisa akala mo talo na o patay pero sa huli biglang nabubuhay

Kaya mga kabarangay huwag nang malumbay
Dahil sa PBA tayo pa rin ang nagbibigay buhay
Kung walang barangay attendance ay matamlay
Kung walang barangay, araneta walang ingay

Hayaan nating sa taas ngayon sila ang mag away away
Karamihan naman sa mga yun eh mga BENGKAY
Malapit na araw nila kaya negosyo buhay na buhay
Kaya pagbigyan na sila ngayong araw ng mga patay

Kahit tayo ang nasa dulo, tayo pa rin naman ang numero uno
Kahit chemistry ng team ay tila magulo, maaayos din yan ng makintab ang ulo
Kahit marami sa atin naghahanap ng pagbabago, mukhang mananatili pa rin diyan si kalbo
Kahit karamihan sa atin nag iinit kay kalbo, maniwala na lang at manapalataya tayo
Basta manalo, matalo PINAKASIKAT pa rin tayo
At yan ay walang kahit na sino ay makakatalo!
avatar
DMac
Global Moderator
Global Moderator

Male Posts : 2458
Location : Pasig City
Humor : Today is the Tomorrow of Yesterday

Back to top Go down

Re: Barangay Flip Top

Post by betterhalf on Tue Oct 30, 2012 12:48 pm

tawang tawa ako dun sa gawa ni admin gege

avatar
betterhalf
Global Moderator
Global Moderator

Male Posts : 13764
Location : manila

Back to top Go down

Re: Barangay Flip Top

Post by DMac on Thu Nov 08, 2012 4:25 pm

Para Kay Alice - request ni FASTY! haha

Hindi ko madalas gawin ito, pero dahil sayo ako ay inspirado
Sa pagdating mo ako'y napahinto, marahil si FASTY naramdaman din ito nung kayo ay magtagpo
Kaya pala sa pagbalita sa amin si FASTY parang tuliro
Kung magbalita parang isang pinakawalang trumpo

Pero tama naman si Fasty ay hindi nagkamali
Dahil ang ganda mo'y nagtatanggal ng init sa tanghali
Para bang halo-halong nagtatanggal ng init sa labi kapag dumampi
Kaya naman una pa lang ako'y hanga na kay FASTY
Dahil sa pagpili si FASTY di nagkakamali

Kaya naman sa tambayan taos puso ka naming tinatanggap
Kahit magtanong ka kanino man pagdating mo'y parang mga rosas ay humalimuyak
At dahil diyan kahit down ang Ginebra nakalimutan namin ang pag iyak
Kay FASTY kami ay nagpapasalamat dahilikaw ay nahatak

Kaya Alice sana ay huwag kang aalis
Pag-iwan kay FASTY sa isip mo sana ay lumihis
Dahil di lang si FASTY pati kami ay malulungkot ng labis
Pakiramdam ng puso namin nun parang tinusok ng matulis

- DMac
avatar
DMac
Global Moderator
Global Moderator

Male Posts : 2458
Location : Pasig City
Humor : Today is the Tomorrow of Yesterday

Back to top Go down

Re: Barangay Flip Top

Post by MR. FAST on Thu Nov 08, 2012 4:29 pm

DKT! di ko akalain na totohanin mo talaga pre

pero astig ka talaga! wala kang kakupas kupas!
avatar
MR. FAST
Admin
Admin

Male Posts : 18119
Location : Ginebra Tambayan

Back to top Go down

Re: Barangay Flip Top

Post by agni on Thu Nov 08, 2012 4:30 pm

Dmac is breaking the houze yow

agni
Practice player
Practice player

Male Posts : 151

Back to top Go down

Re: Barangay Flip Top

Post by DMac on Thu Nov 08, 2012 4:31 pm

Thanks mga bro!

Nasa mood lang kaya mabilis. hahahaha

@Fasty ok na ba yang pagiging bida mo diyan? hahaha

@agni pre ito ang hindi natin magawa sa .net. hehe
avatar
DMac
Global Moderator
Global Moderator

Male Posts : 2458
Location : Pasig City
Humor : Today is the Tomorrow of Yesterday

Back to top Go down

Re: Barangay Flip Top

Post by MR. FAST on Thu Nov 08, 2012 4:32 pm

@DMac - oo pre! bidang bida ang dating ko! kunsabagay di naman ako takot sa LIMELIGHT pre #dkt #humblelang :lol!:
avatar
MR. FAST
Admin
Admin

Male Posts : 18119
Location : Ginebra Tambayan

Back to top Go down

Re: Barangay Flip Top

Post by garrett_jax on Thu Nov 08, 2012 4:43 pm

alam na ang kahinaan ni fasty .............
avatar
garrett_jax
MVP
MVP

Male Posts : 9552
Location : Brgy. GINEBRA

Back to top Go down

Re: Barangay Flip Top

Post by DMac on Thu Nov 08, 2012 4:48 pm

garrett_jax wrote:alam na ang kahinaan ni fasty .............

eh ikaw mod garrett ano kahinaan mo? pis
avatar
DMac
Global Moderator
Global Moderator

Male Posts : 2458
Location : Pasig City
Humor : Today is the Tomorrow of Yesterday

Back to top Go down

Re: Barangay Flip Top

Post by Sponsored content


Sponsored content


Back to top Go down

Page 9 of 10 Previous  1, 2, 3, 4, 5, 6, 7, 8, 9, 10  Next

View previous topic View next topic Back to top

- Similar topics

 
Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum